Mga pinoy celebrity na iba ang tinahak na karera sa buhay sa kursong tinapos nila

Sa buhay gumagawa tayo ng mga desisyon batay sa kung ano ang gusto natin at kung ano ang magpapasaya sa atin. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit naiiba ang karerang tinatahak ngayon ng mga artistang ito mula sa kursong tinapos nila sa kolehiyo.

Alamin sa listahang ito ang mga kursong tinapos sa kolehiyo ng ilang Pinoy celebrity kaiba sa tinatahak nilang landas ngayon.

1. Atom Araullo

Credit: Atom Araullo Instagram

Una sa listahan ay ang tanyag na mamamahayag na si Atom Araullo. Nakapagtapos si Atom ng Bachelor of Science in Applied Physics sa University of the Philippines – Diliman campus.

2. Robi Domingo

Credit: Robi Domingo Instagram

Pangalawa ay ang aktor, model, host at VJ na si Robi Domingo. Parehong doktor ang mga magulang ni Robi kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit pinili nitong kunin ang kursong Bachelor of Science in Health Sciences sa Ateneo de Manila University.

3. Maricar Reyes-Poon

Credit: Maricar Reyes-Poon Instagram

Nagtapos si ang model at aktres na si Maricar Reyes-Poon sa kursong Bachelor of Science in Biology sa Ateneo de Manila University. Pagkatapos ng kaniyang pre-med course ay kumuha ng kursong Medicine si Maricar sa University of Santo Tomas. Taong 2008 nang naipasa ni Maricar ang medical licensure exam.

4. Pia Wurtzbach

Credit: Pia Wurtzbach Instagram

Napakalayo nga naman ng narating ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil mula sa pagiging reyna ng kusina ay pinili nitong tahakin ngayon ang pag-aartista, pagmo-modelo at pagho-host.

Nakapagtapos ang beauty queen sa kursong Culinary Arts sa Center for Asian Culinary Studies.

5. Marian Rivera

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes Instagram

Si Spanish-Filipina actress, model at host Marian Rivera naman ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University – Dasmariñas.

6. Isabelle Daza

Credit: Isabelle Daza Instagram

Bago tahakin ang mundo ng showbiz ay naging preschool teacher muna ang aktres, model at social media influencer na si Isabelle Daza. Nakapagtapos si Isabelle ng kursong Early Childhood Education sa De La Salle University.

7. Vice Ganda

Credit: JoseMarieViceral/ Vice Ganda Instagram

Nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Far Eastern University ang komedyante, TV host at aktor na si Vice Ganda o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay. Hindi na nga nakapagtataka na maraming beses nang napatunayan ni Vice sa manonood ang galing nito sa pakikipag-diskusyon.

8. Christian Bautista

Credit: Christian Bautista Instagram

Bachelor of Arts in Landscape Architecture naman ang tinapos ng singer, actor at host na si Christian Bautista sa University of the Philippines Diliman.

9. Alex Gonzaga

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ang sikat na vlogger, host at actress naman na si Alex Gonzaga ay mayroong Bachelor of Science in Child Development and Education degree na kinuha niya sa University of Asia and the Pacific.

10. Coco Martin

Credit: Coco Martin PH Instagram

Ang Probinsyano actor, director at producer naman na si Coco Martin ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa National College of Business and Arts.

The post Mga pinoy celebrity na iba ang tinahak na karera sa buhay sa kursong tinapos nila appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments