Inamin ni Jessy Mendiola na nagduda siya kung talagang papakasalan siya ng kanyang nobyong si Luis Manzano

Mahalaga para sa isang relasyon ang maayos na komunikasyon sa pagitan ng magkasintahan. Susi kasi ito para maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan at upang mas lalo pa nilang makilala ang isa’t isa.

Credit: Jessy Mendiola Instagram         

Kaya sa Part 2 ng YouTube vlog ni Jessy Mendiola na pinamagatang “HEART-TO-HEART TALK with the HOWHOWS” ay binigyang pagkakataon nina Jessy at ng actor-host boyfriend nito na si Luis Manzano na masagot ang ilang mga katanungang hindi pa nila kailanman naitatanong sa isa’t isa.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Sa tanong na, “What’s your take on cheating?” ay ibinahagi ng dalawa kung ano ang kanilang gagawin kapag nalaman nilang nagtaksil sa kanila ang karelasyon.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Para kay Luis, “…things happen. Sometimes even if may ganoong kalaking dagok…Sometimes you realize na some things are worth fighting for…worth saving.”

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Ngunit kung si Luis ay kaya pang pag-isipan at i-consider muna ang mga dahilan ng pagtataksil bago humantong sa hiwalayan, nanindigan naman si Jessy na hihiwalayan niya agad ang karelasyon kapag nahuli niya itong nagtaksil.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Ani Jessy, “Basta ako, pag-cheat, end! Ganun ako.”

Tinanong din ng aktres ang boyfriend kong naisip na ba nitong hiwalayan siya tuwing nag-aaway sila.
Sagot ni Luis, “Sure. Lahat naman tayo may mga matitinding away, ‘di ba? It’s not always lambing…”

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Dagdag ni Luis, “Umaabot naman tayo sa point na baka nga na you are meant to be on separate paths. It’s needed…things may be better for you individually if you go down different paths…”

Sa tanong naman na, “Meron ba akong sinabi sa iyo na hindi mo pinaniwalaan or nagduda ka nang konti?” ay sagot ni Jessy, “Na papakasalan mo ‘ko. syempre kasi maraming detractors…”

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Ang tinutukoy ng aktres sa kaniyang sagot ay ang mga pumupuna sa relasyon nila ni Luis.

Paliwanag ni Jessy, “It’s more of like dadating kasi sa point na will it ever happen kaya? Totoo kaya ‘yung sinasabi niya? Kasi syempre lahat naman tayo may trust issues din…It’s a normal thing.”

Credit: Jessy Mendiola Instagram

May sagot naman si Luis dito, “Hindi naman kaduda ‘yon.”

Bumwelta rin si Luis sa mga “detractors” at sinabing “hindi naman sila imbitado.”

Inamin ni Jessy sa vlog na sa lahat ng mga natanggap niyang negatibong komento sa social media ay pinakamasakit daw sa lahat nang tawagin siyang “ahas o third party”.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Mas masakit daw para sa aktres ang mga akusasyon ng mga tao sa kaniya lalo na’t walang katotohanan ang mga ito.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Sa huli, sinabi ni Jessy na nalampasan na niya ang bahaging ito ng kanilang relasyon.

Aniya, “I don’t think there is anything that would offend me already. Nasa disposition na ako ng life ko na parang rainbows and butterflies- na kahit anong sabihin mo sa akin, ok lang…”

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Bago maging magkarelasyon si Luis at Jessy ay naging nobya ni Luis ang Kapamilya aktres na si Angel Locsin. Noong June 25, 2016 ay naging opisyal ang relasyon nila Jessy at Luis.

The post Inamin ni Jessy Mendiola na nagduda siya kung talagang papakasalan siya ng kanyang nobyong si Luis Manzano appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments