Pinuri ni Erwan Heusaff ang kanyang asawang si Anne Curtis dahil sa kanyang magaling na pagganap sa kanyang role bilang ina ni Baby Dahlia

Inamin ng content creator, chef, restaurateur at first time daddy na si Erwan Heusaff na araw-araw ay may bago siyang natututunan tungkol sa pagiging magulang.

Credit: Erwan Heussaff Instagram  

Sa kaniyang guesting sa local radio station na Magic 89.9 ay ibinahagi ni Erwan ang kaniyang karanasan bilang isang new daddy at mga hakbang na ginagawa niya para maayos na gampanan ang bagong role.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Sa interview ay sinabi niyang nasurpresa siya kung gaano kabilis na tinanggap ni Anne ang bagong role nito bilang isang ina. Rebelasyon ni Erwan, mabilis daw na naka-adjust si Anne sa mga responsibilities ng pagiging magulang. Dagdag pa nito na proud siya sa motherly instinct ni Anne.

Credit: Anne Curtis Instagram   

Ikinumpara pa ni Erwan ang kaniyang sarili kay Anne bilang isang magulang. Para kay Erwan ay dumadaan pa siya sa isang transition process at marami pa siyang dapat matutunan bilang isang ama.

Credit: Anne Curtis Instagram

“Just how the mother switch is like that. For dads, it’s like a process to understand what’s happening. For moms, it’s immediate. Like that connection is forged from day one. For dads, it takes a couple of days kind of looking at your child and like how did this third person just come out whereas for women it’s just automatic and just how motherly the instinct is incredible.”

Sinabi ni Erwan na may mga pagkakataon daw na habang tinitignan niya ang kanyang anak at buhat-buhat ito ay napapaisip siya kung paano niya ito mapapasaya o macocomfort.

Credit: Anne Curtis Instagram

“Like I still at times when I’m looking at Dahlia and holding her and it’s like how do I comfort her or is she happy or anything. Give it to the mom and it’s like magic. So that for me has been amazing to see, kind of how she’s embraced that role. And I’m so impressed by it.”

Sinusubukan daw ni Erwan na magbasa at pag-aralan ang kanyang role bilang ama at namangha siya kay Anne dahil natural nang lumabas kay Anne ang kanyang pagiging mommy.

Credit: Anne Curtis Instagram

“I’m catching up by reading books and educating myself. Obviously she’s educating herself too. But most of it is ingrained and I think that’s amazing.”

Hands on at nageenjoy sina Anne at Erwan sa pag-aalaga kay Baby Dahlia na 5 months old na.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ayon kay Erwan, sinisigurado nila ni Anne na naibibigay nila ang mga pangangailangan nito.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Kasalukuyang nasa Melbourne, Australia ang pamilya ni Erwan kasama ang pamilya ng asawa mula pa noong Pebrero 2020.

The post Pinuri ni Erwan Heusaff ang kanyang asawang si Anne Curtis dahil sa kanyang magaling na pagganap sa kanyang role bilang ina ni Baby Dahlia appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments