Derek Ramsay, ipinasilip na ang kanyang bagong mala-resort na bahay sa Alabang na may apat na palapag at sariling elevator

“Resort-feel but at the same time very homey”

Credit: Unang Hirit Facebook          

Ganito kung ilarawan ni Kapuso hunk-actor na si Derek Ramsay ang kaniyang bagong-tayong bahay sa Alabang.

Credit: Unang Hirit Facebook

Sa panayam ng Kapuso morning show na Unang Hirit kay Derek ay ipinasilip nito ang ilang parte ng kaniyang apat na palapag na bahay na mayroong modernong disenyo at arkitektura.

Credit: Unang Hirit Facebook

Pagpasok pa lang sa bahay ni Derek ay malulula ka sa napakataas na ceiling nito. Kapansin-pansin din ang mataas na wooden door ng bahay, mga painting na gawa ng mga local artist sa Pilipinas, pati na rin ang lap pool ni Derek na kitang kita mula sa kaniyang glass windows.

Credit: Unang Hirit Facebook
Credit: Unang Hirit Facebook

May anim na kwarto ang bahay ng aktor at ikinuwento niyang mas inuna niyang ipagawa ang kwarto ng mga magulang para raw pumayag na ang mga ito na tumira kasama siya.

Ani Derek, “I put a room on the bottom floor for my parents so, fingers crossed, papayag na silang tumira with me.”

Credit: Unang Hirit Facebook

Dagdag pa ng aktor na matanda na raw ang kaniyang mga magulang na kasalukuyang nakatira sa Tagaytay kaya’t inuna niyang ipagawa ang kwarto ng mga ito.

Credit: Unang Hirit Facebook

“My dad’s 77, and I want them to be with me na, just in case. It might happen, and I’m very near…Yung kwarto ko hindi pa tapos. Wala pa akong kama, wala pa akong anything. Sila, meron na!” pagkukwento pa ni Derek.

Credit: Unang Hirit Facebook

Mapapansin din na binigyang prayoridad ng aktor ang kwarto ng mga magulang dahil maluwag at malaki ang kwarto nila na ayon na din sa aktor ay may pinakamagandang view sa buong bahay.

Credit: Unang Hirit Facebook

“Yes, it’s really big and they have like the best view in the house,” ani Derek.

Dahil din sa laki ng bahay ay kinailangan ni Derek na maglagay ng elevator para sa kaniyang mga magulang.

Maituturing na aktibo at mahilig mag-ehersisyo si Derek kaya hindi pwedeng mawawala ang kanyang sariling gym sa kanyang bagong bahay.

Credit: Unang Hirit Facebook

Sa ikalawang palapag ay may sariling gym si Derek na kumpleto sa gym equipment. Bukod pa sa kaniyang gym, ay ginagawang ehersisyo rin ni Derek ang paglangoy sa kaniyang lap pool.

Credit: Unang Hirit Facebook

Modern style at napakaluwag naman ng kaniyang dining area. Mayroon ding “den” ang bahay ng aktor na may enterntainment set kung saan pwedeng tumambay ang kaniyang mga bisita.

Credit: Andrea Torres Instagram

Samantala, nang tanungin naman si Derek ni Unang Hirit host Suzie Abrera kung kasama ba sa plano ang nobya nitong si Kapuso actress Andrea Torre nang ipagawa niya ang kaniyang bahay, derektang inamin ng aktor na isa si Andrea sa mga rason kung bakit niya ipinagawa ang bahay.

Credit: Andrea Torres Instagram

Pag-amin ni Derek, “Most definitely…That’s why I worked so hard to get this place done. She was a big part of it.”

The post Derek Ramsay, ipinasilip na ang kanyang bagong mala-resort na bahay sa Alabang na may apat na palapag at sariling elevator appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments