Aktor na si CJ Navato, masayang ibinahagi ang kanyang masayang pagtatapos ng pag-aaral

Pag talaga nga naman pinag sumikapan mo ang mga bagay bagay na ninanais mo ay talaga namang Malaki ang tyansa na mapasa basta lamang maniwala sa kakayanan at mayroon kang sumusuportang pamilya at mga kaibigan, tiyak ang tagumpay.

Sa isang Instagram post ni Cj Novato former Goin’ Bulilit Star ay makikita ang larawan nya na proud na proud nakasuot ng toga. Graduate na nga sya!

“It’s official. Ya boi made it! 👨🏻‍🎓💚 Thank you to my family for being with me every step of the way” kanyang pamamalita. Di nga din nya nakalimutan na ialay ang kanyang tagumpay sa Diyos at sa kanyang bayan, “This one’s for you, for God & for country. Always.” Sabi pa nya.

Nakapag tapos ng kolehiyo si CJ sa De La Salle-College of Saint Benilde.

Makikita din ang video nya sa post kung saan ay umaakyat ito sa stage para kunin ang kanyang diploma, sa kanya ngang pag fist bump sa mga naka abang na mga bisita sa stage para tunghayan ang pagtatapos ng batch nila ay kitang kita ang saya nya na itinaas pa ang kamay sa hangin.

Sa isa pa ngang post ay makikita ding pinasalamatan nya ang kanyang girlfriend at pamilya,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CJ Navato (@navatocj)

“”Thank you for always celebrating my victories with me, and supporting me even in my l0west moments. Together with my parents, you make everything better,” ani nya. Mapapansin na super proud ang kanyang girlfriend at halatang masaya din sa naabot ni CJ.

Marami sa mga netizen ang nag paabot ng kanilang pag bati.

Nagsimula sa kanyang career si CJ sa showbiz noong bata pa lamang sya ng sumali sya sa “Star Circle Quest: Kids Edition” noong 2004. Naging parte nga din sya ng Kiddie gag na “Goin’ Bulilit”

Sa huli, tunay na ang pagtatapos ng kolehiyo ay isa ngang mahalagang bagay sa atin, kahit pa nga may mga narating na sa buhay o nakilala na, nais pa din makatap0s at makamtan ang minimithing diploma.

Paano ba naman kasi, talaga naman na ang ‘ang karunungan ay isang kayamanan’ dahil ayon sa mga nakakatanda isa itong kayamanan na hindi kailanman kayang manakaw.
Kung kaya, isang pag bati saiyo CJ Navato!

The post Aktor na si CJ Navato, masayang ibinahagi ang kanyang masayang pagtatapos ng pag-aaral appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments