Tingnan ang magagandang litrato ni Joyce Pring kasama ang kanyang pamilya

Nakakapag taka talaga kung bakit sobrang dami ng enerhiya ng mga bata. Yung tipong ineexpect mo na matutulog na sila pero tatagal pa silang mag laro at mangulit ng ilang oras. Darating na sa punto na makaka tulugan mo na sila o ipapasuyo mo na dahil sa sobrang antok. Ganun nga siguro ang mga bata, Marahil dahil sa wala pa silang pr0blema kaya nakaka tagal sila ng ganoon.

Credit: @joycepring Instagram

Ibinahagi ni Joyce Pring ang kanyang family photo kasama ang kanyang partner na si Juancho Triviño at ang kanilang baby na si Alonso Eliam. Isang picture na kuha sa umaga, sabi sa picture eh 5:30 ng umaga at tila punong puno pa ng enerhiya si baby Alonso. Base sa caption, parang nasa malayo ang kanilang daddy Juancho. Gayun pa man, madali na ang komunikasyon sa mga panahon ngayon.

Credit: @joycepring Instagram

Pwedeng pwede na silang mag usap kahit nasaang lupalop pa sila ng bansa o mundo.

Credit: @joycepring Instagram

Umani ang post na ito ni Joyce Pring ng mahigit sa 12k likes sa Instagram. Cute na cute ang kanilang mga ngiti at mababatid din natin sa kanila na mayroon silang napaka tight na relationship. Kahit na kaka kasal lang nila Joyce at Juancho noong 2020, mararamdaman natin na mayroon na silang malalim na pag kakakilanlan sa isa’t isa, dagdagan pa ng kanilang baby Alonso ay talaga namang sobrang saya ang magiging resulta.

Credit: @joycepring Instagram

SI Joyce Pring ay isang sikat na VJ at nag simula siya sa Myx VJ search at nanalo sa naturang VJ search. Nasundan ng mga sunod sunod na hosting projects si Joyce at pumirma ng kontrata sa GMA.

Credit: @joycepring Instagram

Napanuod din natin siya sa ilang mga sikat na event at nag host din sa The Clash at Unang Hirit. Sila Joyce at Juancho ay nag anunsyo ng kanilang relasyon noong 2019 at na engage din sa parehas na taon. 2020 ay kinasal na sila at July 2, 2021 niya pinanganak si baby Alonso Eliam.

Credit: @joycepring Instagram

The post Tingnan ang magagandang litrato ni Joyce Pring kasama ang kanyang pamilya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments