Tingnan ang maganda at masayang 2nd birthday ni Baby Enola Mithi

Mithi. Isang salita na napaka raming kahulugan. Pwedeng nais, pwede ring ambisyon, adhikain o kagustuhan. Ano pa man ang kahulugan na gusto mo, para sa isang nanay, isang mithiin ang pagkakaroon ng anak o mga anak.

Credit: @trinacandeza Instagram

Nagpost ng isang litrato ang dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza sa kanyang Instagram account na nag papakita ng kanilang napaka sayang family picture kasama siyempre ang kanilang anak na si Enola Mithi.

Credit: @trinacandeza Instagram

Nag celebrate siya ng kanyang ika-2 kaarawan. Napaka saya ni Mithi sa araw ng kanyang kaarawan. Marahil ay na miss din niya ang kanyang ama na si Carlo Aquino. Namataan din sa ibang mga litrato na karga karga ito ni Carlo sa buong oras ng event.

Credit: @trinacandeza Instagram

Ang dating partner ay nag desisyon na mag co-parent para kay Enola Mithi. Ito ay isang magandang desisyon para sa kanilang anak. Ang naturang post ni Trina Candaza ay kumalat sa social media at umani ng mahigit 7,500 likes sa Instagram. Madami din ang bumati kay Mithi sa comment section.

Credit: @trinacandeza Instagram

Masasabing isang successful party ang naganap dahil lahat ng mga panauhin at mga kapamilya ay nag saya sa nasabing event. Kahit si Carlo Aquino ay may busy na karera sa showbiz, pinag laanan nya ito ng panahon dahil sobrang halaga nitong araw na ito para sa kanilang mga magulang, lalong lalo na kay Enola Mithi.

Credit: @trinacandeza Instagram

Ang Birhtday event ay pinangunahan ni Events by Miss P, isang tanyag na event planner at coordinator. Mayroon siyang 28k followers sa Instagram. Ang disenyo naman ng mismong event place ay gawa ng Sweet Street Manila Event Styling. Mayroon silang 14.2k followers sa Instagram.

Credit: @trinacandeza Instagram

Ang napaka gandang birthday cake naman ay gawa ng Honey Glaze Cakes. Sikat sila sa pag gawa ng mga cakes na may kaka ibang disenyo o base sa preferrence ng customer. Sila ay may 70k mahigit na followers.

Credit: @trinacandeza Instagram

The post Tingnan ang maganda at masayang 2nd birthday ni Baby Enola Mithi appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments