Rocco Nacino, masayang ibinahagi ang Baby shower ng kanilang anak ni Melissa Gohing

Nauuso na nga ngayon ang gender reveal party and baby shower para malaman ang kasarain ng baby at makapag bigay ng mga munting regalo ang mga ninong, ninang, pamilya at mga kaibigan. Sina Rocco Nacino at ang asawa nito na si Melissa Gohing ay masayang ibinahagi na ang anak nila ay isang lalaki.

Credit: @nacinorocco Instagram

Nag tipon ang kanilang mga mahal sa buhay, ang kanilang pamilya at kaibigan upang masaksihan ang masayang kaganapan sa buhay ng mag asawa. Masaya raw sila na nag silbi itong reunion ng mga taong malalapit sa kanila.

Credit: @nacinorocco Instagram

Umapaw ng maraming komento sa kanilang ibinahigi na larawan. Marami ang natuwa at sa wakas nalaman na nila ang kasarian ng kanilang unang magiging anak.

Credit: @nacinorocco Instagram

Sabi ng mag asawa na maraming nag mamahal sa kanilang baby at excited na silang lahat na makita ito. Ganito talaga kapag ang mag asawa ay sadyang napapalibutan ng mga mababait at mapag mahal na mga kaibigan at mga kapamilya.

Credit: @nacinorocco Instagram

Si Rocco ay sikat na artista at si Melissa naman ay sikat na volleyball player ang dalawa ay kinasal noong January 21, 2021. Kitang kita ang kanila pag mamahalan na ngayon nga ay nag bunga na.
Sabi ni Rocco at ni Melissa na hindi na nila maantay pa ang pag labas ng kanilang baby na malapit na ngang ipanganak.

Credit: @nacinorocco Instagram

Ginanap ang okasyon sa The Orange Bucket sa New Port city. Napuno ang venue ng samutsaring palamuti na kulay asul, mga lobo at kita rin ang salitang “Boy” sa mga desenyo. Tinawag nila itong “Baby N”. Nag babalak pa nga silang mag karon pa ulit ng isapang kagayang okasyon para sa mga hindi nakadalong pamilya at kaibigan.

Credit: @nacinorocco Instagram

Isa ngang napakasayang okasyon ang malaman kung babae o lalaki ang magiging anak mo. Kaya naman hindi nag atubili ang mag asawang gawin ito dahil siguradong maaalala nila ito hangang sa paglaki ng kanilang anak.

Credit: @nacinorocco Instagram

The post Rocco Nacino, masayang ibinahagi ang Baby shower ng kanilang anak ni Melissa Gohing appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments