Jason Abalos, nagpropose na sa long time girlfriend na si Vickie Rushton

Ang actor nga na si Jason Abalos at ang kanyang kasintahang beauty queen na si Vickie Rushton ay engaged na sa isa’t isa! Ayon sa dalawa ito ay noon pang nakaraang taon nang sila ay naging engaged.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Ipinamalita nga ito ni Vickie sa kanyang Instagram nitong June 2 nang nag post ito nang kanilang sweet na sweet na larawan kung saan nakayakap sa kanya si Jason at makikita ang kanyang engagement ring.

Credit: @thejasonabalos Instagram

“So, Baba and I have been keeping a little secret…,” sabi nya na kanya namang sinundan nang isang Bible verse na, “When the time is right I, the Lord, will make it happen.” Sulat ni Vickie sa kanyang caption na hindi din pinalampas ni Jason nang ito din ay nag post patungkol sa kanyang kasintahan at sinabing, “Habambuhay ko [pasasalamatan] ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana! 9/1/21 she said ‘syempre,”.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Marami naman sa kanilang mga kakilala at ilang mga fans ang bumati sa mag kasintahan, kin-congratulate nga sila nila Pia Wurtzbach, Chesca Garcia, Nikki Valdez, Max Collins, Loisa Andalio at Mark Herras.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Si Jason Joel Jimenez Abalos o kilala sa bilang Jason Abalos ay isang Filipino actor, host, model, endorser at politician. Ang award winning ngang actor na ito nang nakaraang taon ay nag file nang kanyang certificate of candidacy (COC) para sa position nang provincial board member ng 2nd District of Nueva Ecija.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Pinahayag nga ito ni Jason sa kanyang social media post at sinabing nais nyang ipagpatuloy ang nasimulan nang kanyang ama na si incumbent Board Member Popoy Abalos. Samantala si Vickie Rushton naman ay isang Filipino-British actress, model at beauty pageant titleholder na na koronahan bilang Mutya ng Pilipinas International noong 2011.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Si Vickie makalaunan ay unti unti ngang naka kuha nang maraming exposuresa nang sya ay naging parte o housemate sa Pinoy Big Brother: All In, kung saan ay nakatapos sa 4th place.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Ang dalawa nga ay unang nagkakilala sa isang ganap na “Kapamilya Karavan” event sa Bacolod. Matapos noon ay talaga na ngang sinuportahan nila ang bawat isa at nirespet0 ang mga dinaanan nilang kanya kanyang career.


Credit: @thejasonabalos Instagram

Sa huli, isang pag bati para sa bagong engaged!

Credit: @thejasonabalos Instagram

The post Jason Abalos, nagpropose na sa long time girlfriend na si Vickie Rushton appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments