Graduation picture ni Jason Abalos, kinagiliwan ng maraming netizens

Jason Joel Jimenez Abalos o kilala sa pangalang Jason Abalos, isang actor, host, model, endorser at ngayon ay isa na ring politician. Binahagi nya ang kanyang graduation toga picture noong sya ay nasa Kolehiyo sa kanyang Instagram account.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Makikita sa larawan ang binatang Jason Abalos sa larawan na kanyang binahagi kung saan ay nakasuot pa nga sya ng toga, isang hudyat nang pagtatapos nito sa kolehiyo.

Credit: @thejasonabalos Instagram

“Nababakas mo ba sa mukha ng batang to kung gaano kahir@p ang mathematic?” biro nito sa kanyang caption. Si Jason nga ay nakapag tapos nang bachelor’s degree sa electrical engineering sa Nueva Ecija University of Science and Technology.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Marami naman sa mga netizen ang nag komento sa kanyang larawan na naipost, ang ilan ay inalala ang mga panahon na estudyante pa lamang sila, at ang ilan ay proud na sinasabi na ka batchmate nga nila noon si Jason sa Unibersidad kung saan ito nakapag tapos.

Ang larawan nga ay umabot na nang 19, 012 na likes at 280 plus na mga komento.
Nito lang ding June 2 nang kanila ding ibinalita nang kanyang kinakasama na si Vickie Rushton na sila nga ay engaged na, at handa na ngang dumaan sa bagong level ng kanilang relationship.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Si Jason ay isang former member ng Star Magic talents mula noong 2017. Na discover nga sya matapos nitong sumali sa Star Circle Quest, isang reality show in search sa mga bagong mga actor. Sa kanya ngang pananatili sa industriya nang showbiz ay nakatanggap na nga ito ng iba’t ibang mga gawad o karangalan sa mga tinayuan nitong mga role.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Tunay nga na maraming mga bagay ang talaga ngang maalala natin sa tuwing makakakita tayo ng mga larawan na noon ay kinuha. Lalo na gaya nang larawan nang pagtatapos gaya nitong kay Jason, pagkat isa ito sa mga pangyayari sa buhay na talagang may dalang kakaibang pakiramdam, pagkat patungkol ito sa pagpupunyagi nang tao.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Nagpapaalala ito nang mga pangyayari na kung alalahanin ay mapapatingin ka nalang kung gaano ka na kalayo sa dating ikaw na noon ay nangangarap na ngayon ay tinutupad na ito nang unti-unti.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Sa huli, napaka sarap ngang alalahanin ang mga bagay na noon ay dinaan na natin at maiisip nalang na “nakayanan mo iyon” kahit ano pa man ang nangyari sa proseso nito.

Credit: @thejasonabalos Instagram

The post Graduation picture ni Jason Abalos, kinagiliwan ng maraming netizens appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments