Judy Ann Santos, may nakakatouch na mensahe para sa 75th birthday ng kanyang ina na si Mommy Carol

Ang ating mga magulang ay ilan sa mga tao na talagang pinapahalagahan natin, na hinding hindi natin nakakalimutan na alalahanin ang kanilang mga kalagayan. Kahit pa minsan ay malayo na tayo sa kanila dahil na rin sa pagbuo ng kanya kanya nating mga pamilya.

Credit: @officialjuday instagram

Bagamat ganoon ang idiwang ang kanilang mga kaarawan na kasama sila ay isa ngang pinaka malaki nang pribilehiyo dahil alam natin na tumatanda na din sila, kung kaya dapat ngang i-cherish natin ang mga oras na nakakasama natin ang ating mga magulang.

 

Nag didiwang nga ng kanyang ika 75 taong kaarawan ang Mommy Carol ni Judy Ann Santos nito lamang February 25. Ang aktres ay nag post ng ilang mga snaps nila ng kanyang mommy na kitang kita pa rin ang closeness. Masaya nga at mukhang nag enjoy si Mommy Carol sa kaarawan nya na mapapansin sa mga larawang na ipost.

Credit: @officialjuday instagram

“Yesterday we celebrated the most precious and special diamond ever… our rock, our prayer warrior.. our mother.. thank you ma for everything.. for teaching us how to live and love and treasure family first above anything and everything.. you are my one and only priceless diamond.. ❤❤” madamdaming sabi nito sa kanyang caption.

Credit: @officialjuday instagram

Nagpasalamat nga din si Judy sa ilang mga tumulong sa kanya para maging posible ang selebrasyon ng birthday ng kanyang mommy, “with a little help from our friends @pioskitchen @balloonsandbloomsph @robblancaflor @theflourgirl @diongsky @tippyf thank you for helping me put together this sinple but very meaningful celebration.

Credit: @officialjuday instagram

@ryan_agoncillo thank you bub for all your wonderful ideas, it wouldnt be this amazing without you. 😘” dagdag nito sa caption.

Credit: @officialjuday instagram

Marami naman sa mga netizen ang bumati din sa kaarawan ng mommy nya, “Happy Birthday Mommy Carol!!!❤”, “Happy birthday po!!❤”, “Happy birthday Tita Carol!!! ❤” at marami pa ngang iba.

Agaw pansin din ang isang salitang ikinomment ni Ryan Agoncillo sa larawan, “Dyamante!” sabi nito.
Sa huli, pagbati para sayo Mommy Carol!

Credit: @officialjuday instagram

Kung ikaw man ay naghahanap ng sign to celebrate with your parent baka ito na yon, wag nga natin kalimutan ang mga taong talagang naririyan sa atin. Ayon ang ating mga magulang. I-treat natin sila!

The post Judy Ann Santos, may nakakatouch na mensahe para sa 75th birthday ng kanyang ina na si Mommy Carol appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments