Child Star na si Eliza Pineda, eto na ngayon at dalagang dalaga na

Palagi nga natin napapansin ang ilan sa mga kabataan ngayon na dating nakikita lang natin na naglalaro lamang nang taya tayaan o anumang larong pambata na ngayon ay nagsisilakihan na at kapansin-pansin nga ang kanilang mga pag babago na dahil na rin sa kanilang pag daan sa proseso ng pag dadalaga at pag bibinata.

Credit: @mariaelizapineda instagram

Kita nga sa ilang mga posts ni Eliza Pineda dating cute na cute na child star ang kanyang pag glow up. Dalagang dalaga na nga ito at litaw na litaw ang kagandahan nitong dala dala. Sya nga ay makikitang blooming na blooming sa kanyang mga selfies.

Credit: @mariaelizapineda instagram

Pati na rin ang kanyang fashion statement ay talaga nga namang bumagay sa kanya, ang combination nang mga damitan nya ay talagang nag patingkad nang kanyang pagdadalaga.

Credit: Eliza Pineda Facebook

Marami sa mga netizen ang nakapansin nga din sa kanyang glow up at inalala ang ilang mga palabas na nakita sya o napanood, kasama na dito pag arte nya sa MMK o Maalaala mo kaya? At ilan pang mga teleserye, “sana all baby face😊😊😊”, “Bakit ganun nagka p@ndem!c lang bigla na silang nagdalaga lahat🤣😂”, “Cute parin”, “…Dalaga na.” at marami pa ngang iba.

Credit: @mariaelizapineda instagram

Ngayon nga ay may ilan na syang mga proyekto muli, isa na rito ang pag ganap bilang Pippa sa movie na ‘Till There Was You’, kasama sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.

Credit: @mariaelizapineda instagram

Si Eliza Pineda ay isang Filipino actress, sya ay original talent ng ABS-CBN mula 2002 hanggang 2017. Sya ay kilala ding dating child actress sa iba’t ibaa ngang showbiz business sa acting skills gaya ng drama, action pati na rin ang comedy. Si Elize Pineda ay lumabas na nga sa Mga Anghel na Walang Langit, Maria Flordeluna at Kung Fu Kids.

Credit: Eliza Pineda Facebook

Tunay nga na marami sa atin ang nagugulat na lamang sa mga pagbabagong nakikita natin, na ang gaya ng makita ang isang child star na dating kinahuhumalingan at talagang cute na cute nating nasaksihan na ngayon ay nag e-excel pa nang lubos sa larangang kanilang nilalakaran.

Credit: Eliza Pineda Facebook

Nakakatuwa nga din na makita na nagsisilakihan sila dahil nag papaalala ito ng mga dating mga palabas at ngayon na nga sila ay nagsisilakihan at nagpapatuloy sa pag arte ay marami pa tayong maabangan para sa kanila.

The post Child Star na si Eliza Pineda, eto na ngayon at dalagang dalaga na appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments