Donnalyn Bartolome, mamimigay ng 2 million worth na bahay sa isa sa kanyang mapipiling subscriber

Sa bawat biyaya nga na ating natatamasa ay isang pagkakataon para makapag bigay din sa iba. Tunay na alam natin na hindi dapat tayo nakakalimot sa mga tao sa ating paligid, pagkat tulad natin sila din ay naghahangad nang mga hinangad na natin na maaring nakuha mo na ngayon.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Kung ang magbigay sa mga tao ay isa ngang malaking prebilihiyo sa lahat, dahil kung ikaw ay may naibibigay ibig sabihin nyon ay mayroon kang maibibigay, sabi ng isang matandang kasabihan “maibibigay mo ba ang wala ka?” dahil bago pa man tayo makapag bigay tunay na dapat ay natamasa o mayroon muna tayo nyon.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Sa isang vlog nga ni Donnalyn Bartolome ay ibinahagi nya ang patungkol sa kanyang ipamimigay na bahay, na naghahalaga ng 2 million. Napaka laki ngang pera ang naitustos diba. Excited na excited nga si Donna habang sinasabi nya ang mga perks nang pag tira dito.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Sinabi nya sa mga viewers na napaka convenient ng pwesto ng bahay na ito dahil accessible ang mga establishment na talagang kailangan na kailangan ng mga tao, gaya ng school at dry and wet market.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Sabi pa nya na hindi sponsored ang bahay na ipamimigay nya dahil talagang sa pinaghirapan nya ito nanggaling. Nang pumasok nga ng bahay si Donna, ay makikita mo ngang napaka ganda at talagang pinag isipan at di tinipad ang budget para sa bahay na ito, mala coffee ang palette ng design ng bahay na talaga nga namang nakaka comfort sa mata.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Pinakita nya nga ang sala, ang mga equipment gaya ng tv, microwave, mga beds at ilan pang mga kagamitan na alam mong idinaan sa masusing pag pili. Maliban sa kitchen at mga kwarto ay mayroon pa ngang space ang bahay para sa isang study room.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Si Donnalyn Jereos Bartolome pinanganak noong July 9, 1994 ay isang Filipina internet personality, vlogger, singer, songwriter at rapper.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Tunay nga na gaya ni Donna ay maraming bagay pa ang maari nating ibigay lalo pa kong talagang biniyayaan ka nang lubos, kung kaya kung ikaw man ay naghahanap ng rason o sign para magkaloob pa sa iba, baka ito na ang time para doon diba?

Credit: Donnalyn YOUTUBE

Tandaan na ang pag tulong ay hindi kailangan malaki agad gaya ng kay Donna, ang pag tulong kahit maliit ay malaking bagay na. Maliban nalang kung talagang kaya mong mag provide ng gaya nang kay Donna.

Credit: Donnalyn YOUTUBE

The post Donnalyn Bartolome, mamimigay ng 2 million worth na bahay sa isa sa kanyang mapipiling subscriber appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments