Wendell Ramos, niregaluhan si Lolo Narding Flores ng negosyo package na ikinatuwa ng maraming netizens

Ang pagbabalik biyaya ay isang pagka kawanggawa na ating ginagawa para mag bigay sa iba pa nang iyong nararanasan o nakakamtang mga biyaya mula sa ating Panginoong Maykapal, kung kaya ang magampamanan ito ay isa ngang patunay na ikaw ay pinagpapala, pagkat totoo ang kasabihang “the more you give, the more you receive”.

Isa ngang magandang balita ang pinahayag ni Wendell Ramos isang kilalang aktor sa kanyang post sa account nito sa Instagram matapos nyang maisagawa ang kanyang misyon ika nya,

“Mission accomplished!” sabi nya sa caption nang larawan.

Makikita sa litrato ang pagod ngunit may galak na ngiti ang pinakita nang aktor dala ang isang plastic fruit yellow basket na naglalaman nang mga product at item mula sa kanyang negosyo at ilan pa nitong business partners.

“Mission accomplished! LOLO NARDO’s dagdag KABUHAYAN , munting mga REGALO at NEGOSYO mula po saamin ng @ifranchise.bscorp , @ofwfamilyclub at @wendeli_meathouse”.

Sinabi pa nya na nagagawa lamang nila ito dahil sa pagtangkilik at suporta ng marami sa kanilang negosyo, “Ang @wendeli_meathouse , @ifranchise.bscorp kasama ng aming CEO @krish_official2022 at sa lahat ng bumubuo ng @ofwfamilyclub.. kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA.. unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo.

Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO’ umasa po kayo na ang @igivebyifranchise foundation po namin ay patuloy at mananatiling tutulong Sa abot po ng aming makakaya. Maraming Salamat po sa inyong lahat..”

Samantala, ilan sa mga netizen ang ikinatuwa ang ginawang ito ni Wendell at nag comment na sila ay pagpalain pang husto dahil sa kanyang pagtulong

Si Wendell ay isang Filipino actor at model, nagsimula sa showbiz noong 1995 nang sumali ito bilang isa sa mga casts ng “Bubble Gang”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial)

Tunay nga na ang pagtulong ay dapat nga nating gawin, sapagkat tayo tayo lang rin naman ang magtutulungan dahil sa mundong ito walang dapat na isiping ka kompetensya, dahil lahat tayo ay talaga nga namang gumagawa ng paraan para maka angat angat din sa buhay.

Sapagkat bawat isa sa atin ay mga may minahal na nais nating pasayahin. Kung kaya sa iyo ay simple lamang ang naibigay mong tulong ngunit para sa iyong tinulungan isa na nga iyong malaking pagpapala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial)

Kaya kung may naalala ka man na taong dapat mong tulungan at mayroon ka naman, ito na ang sign para mag abot nang kahit kaonting tulong para sa taong iyon.

The post Wendell Ramos, niregaluhan si Lolo Narding Flores ng negosyo package na ikinatuwa ng maraming netizens appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments