Masarap talagang umuwi, sa tuwing tayo ay nalalayo sa ating natural na tahanan. Marami kasi tayong nami-miss gaya nang luto ni nanay, paalala ni tatay, mga ingay ng mga pamangkin, mga tiya at tiyo na bumibisitang lagi at ilang mga kaibigan na isang tawag mo lang ay handa kang puntahan.

Credit: @gorachelleann instagram

Subalit ang panahon ay marami ang binabago at karamihan sa atin ay nagkakanya kanya na nang buhay, pero syempre yong bond ay naroroon pa rin. Kung kaya pag nakakauwi nga tayo sa dati nating pinagmulan ay iba nga ang pakiramdam kahit pa sa pag uwi mo ay may kasama ka na ring iba pa, na nakilala mo sa ibang lugar o bansa o ang iyong anak.

Gaya na lamang ni Rachelle Ann Go na fresh from London kung saan sya ay nag tuloy ng kanyang career bilang theater singer actress. Dala dala pa nga ng singer ang kanyang anak na si Baby Lukas na anak nya sa kanyang asawa na si Martin Spies.

Credit: @gorachelleann instagram

Si baby Lukas, ayon kay Rachelle ay nag didiwang nga ng kang pang 10th month sa Pilipinas, “Lukas is celebrating his 10month in the Philippines! He is getting sp0iled by everyone! Saya saya niya!☀🎹” sabi nya sa kanyang caption.

Credit: @gorachelleann instagram

Marami nga sa mga netizen kasama ang ilang mga kilala ding mga artista dito sa Pilipinas ang bumati at nag welcome sa kanilang mag ina. Sa kanyang larawan na ipinost ay makikita ngang naglalaro ito nang kanyang laruang keyboard.

Credit: @gorachelleann instagram

Si Rachelle Ann Villalobos Go-Spies ay isang Filipina singer at international musical theater actress. Sya ay nag simula sa kanyang career sa pamamagitan nang pag pa-participate at pag panalo sa mga ilang singing competitions, ang una ay sa long-running Philippine variety show na Eat Bulaga! sa edad na eleven.

Credit: @gorachelleann instagram

Nakilala na nga sya nang sya ay nanalo bilang Grand Champion nang reality talent search na Search for a Star noong 2004 Sya ay dating mina-managed nang VIVA Artist Agency at Viva Records. Ngayon ay managed na sya nang Cornerstone Talent Management Center.

Credit: @gorachelleann instagram

Tunay nga na ang tahanan ay tahanan. Ang pinagmulan ay pinagmulan. Hindi nga mapagkakaila na ang dati nating kinalakihang lugar ay patuloy nating babalik-balikan saan man tayo makarating o kung ano man ang ating narating.

Credit: @gorachelleann instagram

The post Rachelle Ann Go, bumalik ng Pilipinas kasama na ang cute nyang anak na si Lukas appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star