Jane De Leon, pinaw0w ang mga fans dahil sa bago nitong hairstyle

Marami ang nag-iisip kung isa nga bang Darna at Narda na maikli ang buhok ang lalabas sa pinakalatest version ng ABS-CBN Darna. Makikita kasi si Jane de Leon na nagpaikli ng buhok. Kamakailan lang kasi ng maihayag na si Jane ang gaganap sa role ng Darna.

Maraming fans ang nakaabang at nasorpresa sa short hair niya. Sa IG, masisilip ang new look ni Jane. Bagay na bagay nga naman talaga sa kanya ang kanyang new look na ito.

Credit: @imjanedeleon instagram

“Cutting my hair for a role? Definitely did it!” laman ng caption na may kasamang mga hashtags na #NEWLOOK at #ShortHair.

Bagamat di niya nilinaw kung para saang show niya ginupit ang kanyang buhok. Pero alam naman ng lahat na on going at abang na abang na din sila sa muling paglipad ni Darna. Makikita sa post ng JRB Creative Productions ang isang video clip na short haired kasama ang mga co-cast nya sa Darna.

Credit: @imjanedeleon instagram

Matatandaang si Liza Soberano ang unang pinili para sa role. Pero dahil sa kanyang finger injury ay hindi na niya tinuloy ito. Noong una, ay isang pelikula dapat ito hanggang sa naging TV Series na.

“May masaya po kaming ibabalita sa inyong lahat. Tuloy na tuloy na po ang paglipad ni Darna. At ang gaganap bilang Darna ay walang iba kung hindi si Ms Jane de Leon na patuloy nagpapakita ng sipag at determinasyon sa paghahanda sa muling paglipad ni Darna,” saad ng ABS-CBN.

Credit: @imjanedeleon instagram

Ilan din sa mga makikita dito ay sina Zaijian Jaranilla bilang si Ding; Joshua Garcia, Iza Calzado, at Janella Salvador bilang si Valentina.

Credit: @imjanedeleon instagram

Nariyan din sina Rio Locsin, Kiko Estrada, Simon Ibarra, Young JV, and Joj Agpangan.
Nagsimula na ang shooting para dito ngayong buwan sa San Jose del Monte, Bulacan. Wala pang official date kailan ito eere pero excited na ang lahat para dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

The post Jane De Leon, pinaw0w ang mga fans dahil sa bago nitong hairstyle appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments