Isang babae na nagtrabaho bilang isang kasambahay, isa na ngayon Pharmacist

Mula sa pagiging isang kasambahay, ngayon ay graduate na bunga ng kanyang sipag at tiyaga sa pag-aaral. Iyan nga naman ang nagagawa ng isang taong nagsusumikap sa buhay. Sabi nila, ang edukasyon ang isang bagay na di makukuha sa atin ninuman.

Credit: GMA News Youtube

Hindi ito matutumabsan ng kahit anong materyal na bagay dahil ito ang magiging daan mo sa tagumpay. Iyan ang kwento ni Joanna Griño na naisilang sa isang mahirap na pamilya sa Sorsogon. Mahirap man ang buhay, hindi ito naging hadlang sa kanya para magsumikap sa buhay.

Credit: GMA News Youtube

 

Ngayon, siya ay college graduate at ganap na isa ng Pharmacist. Katulad ng kanyang ate, nakipagsapalaran si Joanna sa Maynila.

“Sabi ko kila ate, at3 pwede ba akong pumunta diyan sa Manila, kahit ano lang ’yung trabaho? Kasi alam ko po na wala akong future doon kundi ano lang, siguro baka nag-asawa na talaga ko kung nandoon lang ako sa Bicol,” kwento niya.

Credit: GMA News Youtube

Isang kasamanay si Joanna sa Maynila. Nagtrabaho siya kasabay ang pag-aaral para matustusan ang kanyang pag-aaral. Ang kanyang pagkain at bahay ay sagot na ng amo habang ang tuition ay ang kanyang ate ang sumasagot.

Credit: GMA News Youtube

“Hindi habang buhay ganito ’yung sitwasyon ko. Kumbaga po kahit sobrang hirap gagawin ko at gagawa ako ng paraan para ma-push ’yung pangarap at natupad ko naman po, pharmacist na po ako ngayon,” kwento ni Joanna.

Credit: GMA News Youtube

Si Mary Jane ang ate ni Joanna na siayng unang nakasungkit ng magandang oportunidad sa Maynila na sinundan ni Joanna. Siya din ay working student at full scholar sa Adamson University.

Credit: GMA News Youtube

Binalikan ni Mary Jane ang kanilang childhood days.
’Yung ultimo po asin, pisong asin, uutangin pa namin sa kapitbahay, ultimo isang pirasong sibuyas or bawang na pang-gisa,” lahad ni Mary Jane na mangiyak-ngiyak.
At dahil tapos na siya ngayon, ang kanyang kapatid na si Jethro ang kanyang paaralin ngayon.

The post Isang babae na nagtrabaho bilang isang kasambahay, isa na ngayon Pharmacist appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments