Talitha Sotto, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang galing sa pagkanta

Si Baby Talitha Sotto o mas kilala bilang si Baby Tali ay ang anak ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto. Nakilala si Baby Tali dahil sa kanyang napakacute na mga videos at nakaka aliw na posts.

Maraming netizens ang laging nakaabang kay Tali dahil nawawala ang kanilang stress at lungk0t sa mga nakatutuwang videos ni Baby Tali. Mapapansin din kay Baby Tali na mahilig siya kumanta at lagi niyang pinapamalas ang kanyang magandang singing skills.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

Mahilig talagang umawit si Baby Tali. Makikita sa kanyang mga video na lagi siyang kumakanta. Isa sa mga latest video ni Tali ay ang kanyang pagawit ng kanyang “Aleluya, Wikain Mo”. Siya ay umaawit habang nagdidilig ng halaman at naghuhugas ng kamay.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

Ang kanyang kinakanta ay kilalang religious song. Isang awit ng papuri sa Diyos. Kaya naman, parang na LSS si Tali dito.

“Mega LSS (Last Song Syndr0me) If you don’t know what LSS looks like, ito na yun, sa Aleluya pa talaga!” lahad ni Pauleen sa IG caption.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

Mas maigi nga naman ito kaysa sa mga kung ano anong awitin ang kanyang inaawit. Maganda na gusto niya ang mga religious songs dahil mas nagiging malapit siya sa Diyos.

Nakakablessed pa na marinig ang mga ito dahil puno ng inspirasyon at blessing ng Panginoon.
Puno naman ang mga komento ng mga netizens ukol dito:

Credit: @pauleenlunasotto instagram

“What a beautiful baby,and intelligent,mana sa ni nono nya at talagang mabait at matalino pa. Good luck lumaki kang mabuti at maganda ng bata!”

“Habang lumalaki c tali nagiging kamukha niya mommy Marie Pauleen Luna-Sotto niya🤗❤😘 ur so cute tali”

Credit: @pauleenlunasotto instagram

“Galing nmn …kaya ung plants healthy healhty gaya ng kumanta… youre so adorable…😘😘😘

“Buti pa c Tali alam Niya,pero yong namb@sh sa kanya walang alam konde mam b@sh lang talaga,
Good job baby”

“Tali your one of a kind bright child. Genius @ Talented. 🥰♥💕

The post Talitha Sotto, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang galing sa pagkanta appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments