Andi Eigenmann, may napakasweet ng birthday message para sa kanyang ina na si Jaclyn jose

Si Jaclyn Jose ang isa sa mga batikang aktres na ating kilala. Mula sa kanyang mga de kalibreng pelikula at teleserye, ay talaga namang hinangaan siya. Siya din ay isang ina. Ang kanyang anak ay ang happy islander vlogger at artistang si Andi Eigenmann.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Kaya naman sa kanilang espesyal na araw, ay binati ni Andi ang kanyang ina sa kanyang
birthday. Noong October 21, nagpaabot ng napakasweet na birthday message si Andi sa kanyang pinakamamahal na ina. Nanay ang tawag ni Andi sa kanyang sweet mom.

Ayon kay Andi, mayroon man daw silang iba’t ibang priorities at mga paniniwala sa buhay, nananatili at nananaig pa rin ang pagmamahal nila sa kanilang nanay. Narito ang touching message ni Andi kay Jacklyn.

Credit: Andi Eigenmann instagram

“Maligayang kaarawan sa aming NANAY! We all may have different priorities and beliefs as parents raising our children, but the most important gift we can give to our children is to love, and love them with all our hearts. With that, you won’t go wrong. And this I learned from YOU! Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at pag alaga sa amin. Wala ako rito kung hindi dahil sa iyong pagmamahal at suporta,” pahayag ni Andi.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Lubos na nagpapasalamat si Andi sa kanyang ina sa kanyang pagmamahal, suporta at walang sawang pag-iintindi sa kanya.

“Mahal na mahal ka namin! Wag kalimutan, ibigay naman ang pagmamahal sa iyong sarili. We will see you soon,” pahabol pa ni Andi.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Siyempre, maging ang partner ni Andi na si Philar Alipayo ay nagpahayag ng message sa comment box kay Jaclyn ng kaarawan,

“Happy birthday tita @jaclynjose”

Credit: Andi Eigenmann instagram

Sa bawat kaarawan ng ating mga ina, ay nais nga naman natin silang pasayahin, at iparamdam sa kanila kung gaano natin sila kamahal. Gaya ni Andi, mayroon man siyang sariling pamilya ay hindi niya nakakalimutan ang espesyal na araw ng kanyang ina.

Credit: Andi Eigenmann instagram

The post Andi Eigenmann, may napakasweet ng birthday message para sa kanyang ina na si Jaclyn jose appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments