Tingnan ang masayang birthday celebration ng aktres na si Maris Racal

Sa kaaarawan ng tanyag na personalidad sa industriya ng showbiz na si Maris Racal ay may isang napaka-halagang tao sa kanyang buhay ang bumati sa kanya. Binati ng kilalang singer na si Rico Blanco ang kanyang girlfriend na si Maris sa kanyang kaarawan.

Credit: Maris Racal instagram

Ang espesyal na araw na ito ni Maris ay mas lalong naging espesyal dahil sa ibinahaging Instagram post ni Rico sa kanyang account. Ang unang dalawang pictures na makikita sa post ay mga solo pictures ni Maris na may aesthetic vibe kung saan na-ibida ang natural na ganda ng aktres pati na rin ang kanyang pagiging photogenic.

Credit: Maris Racal instagram

“Sweetness Overload” naman ang mga katagang nababagay sa third picture na makikita rin sa nasabing post. Kinilig ang mga netizens sa ibinahaging ito ng celebrity composer dahil masasaksihan dito ang sweetness ng dalawa at kung gaano sila kakomportable sa isa’t isa.

Credit: Maris Racal instagram

Makikita sa picture na tila nakahiga o nakasandal ang halos kalahati ng katawan ni Maris kay Rico habang silang dalawa ay naka-smile sa camera. Ang huling picture naman ay ang picture ng aso ni Maris na minsan na ring ipinakilala ng aktres sa isa sa kanyang Instagram posts.

Credit: Maris Racal instagram

At syempre, hindi naman mawawala ang birthday greeting ni Rico para kay Maris na lalong nagpakilig sa marami.

“happy birthday madam. love you so much po.” ang mababasa sa caption. Simple at maikli lamang ang message gayunpaman ay umaapaw pa rin ang sweetness ni Rico sa kanyang greetings.

Credit: Maris Racal instagram

Sa comment section naman ay makikita ang mga greetings ng iba’t ibang mga showbiz personalities.
Maaalalang kailan lamang nang nagkasama ang celebrity couple on-stage. Sila ay nag perform sa ASAP Natin ‘To!.

Credit: Maris Racal instagram

Ang celebrity couples ay magkatrabaho rin umano sa ibang mga projects ni Maris tulad na lamang sa mga latest song niyang “Not For Me” at “Asa Naman”.

Sa pamamagitan ng musika ay paunti-unti nang nagiging komportable ang dalawa pagdating sa usapang relasyon. Kapansin-pansing madalas nang i-show off ng dalawa ang mga kaganapan sa kanilang buhay. Minsan din ay ibinabahagi nila ang kanilang mga litrato na naka-capture tuwing sila ay nagkakaroon ng quality time together.

Credit: Maris Racal instagram

Mapapatunayan sa mga updates tungkol sa kanila na masaya sila sa kanilang sitwasyon ngayon lalo na sa kanilang relasyon.

Credit: Maris Racal instagram

Si Rico Blanco ay 48 years old habang si Maris Racal ay naging ganap na 24-year-old sa pagdiriwang ng kanyang birthday nito lamang September 22. Buwan ng May nang kupirmahin ni Maris ang relasyon nila ni Rico.

The post Tingnan ang masayang birthday celebration ng aktres na si Maris Racal appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments