Ipinagdiwang nina Carlo Aquino at partner in life niyang si Trina Candaza ang 1st birthday ng kanilang anak nito lamang buwan ng September. Ipinasilip ni Carlo ang mga naging kaganapan sa birthday celebration ni Enola Mithi sa kanyang mga Instagram posts.
Credit: Carlo Aquino instagram
Ang naganap na selebrasyon ay isang Intimate party lamang na dinaluhan ng mga mahal nila sa buhay o pamilya. Ang naging venue ng birthday celebration ng kanilang baby girl ay sa kanila mismong tahanan.
Credit: Carlo Aquino instagram
Sa Instagram account ng aktor na si Carlo ay ibinahagi niya ang mga photos na nakuhanan noong araw ng selebrasyon.
Masasaksihan sa mga pictures na kahit intimate celebration lamang ang naganap, hindi pa din ipinalampas ng mag-partner na magpalagay ng mga dekorasyon sa kanilang location. Makikitang ang mga balloons at iba pang materials at decorations ay kulay red, pink, orange, at yellow na tamang-tamang kulay para sa theme ng party.
Credit: Carlo Aquino instagram
Makikita sa caption ng kanyang post ang pagpapasalamat ni Carlo sa bawat team at taong naging rason kung bakit naging posible at nairaos ang simple 1st birthday celebration ni Mithi.
Credit: Carlo Aquino instagram
Tila paborito ng napaka-cute na birthday celebrant ang Sesame Street kaya ganon ang napiling maging theme para sa kanyang party. Kapansin-pansin din na ang kanyang nakakatakam na malaking cake pati na rin mga souvenirs ay Sesame Street-themed din.
Pagdating naman sa outfit, sina Carlo at Trina ay nakisabay din sa Theme ng party. Makikita sa mga pictures na ang kanilang naging “outfit of the day” ay simple lamang habang may suot na magkaparehong t-shirt na may print ng mukha ni Elmo ng Sesame Street.
Credit: Carlo Aquino instagram
Bidang bida naman ang baby girl na si Enola Mithi sa napakagandang damit na suot niya na isang dress na may kulay na mga pastel colors. Sa nakahiwalay na post naman ay makikita ang iilang pictures kung saan kasama naman nila ang kanilang mga bisita.
Credit: Carlo Aquino instagram
Si Enola Mithi ay ang first born child ng couple. Matatandaang minsan nang nabanggit ni Carlo na nagbago siya at nabago ang kaniyang buhay lalo na pagdating sa paggawa ng desisyon nang magkaroon siya ng pamilya. Naging priority niya ang kanyang mag-ina at kaniyang kino-consider sa lahat ng bagay.
Credit: Carlo Aquino instagram
Mapapatunayan talagang na-eenjoy ni Carlo ang pagiging isang padre de pamilya. Wala siyang ibang hangad kundi ang nakabubuti lamang sa kanyang anak. Maaalala namang noong September 3 lang din nang mag-celebrate ng birthday ang aktor kung saan siya ay tumuntong sa edad na 36.
The post Anak ni Carlo Aquino na si Enola Mithi, nagdiwang na ng kanyang 1st birthday appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments