Sarah Geronimo, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa kanyang bagong hairstyle

Maraming personalidad sa mundo ng showbiz ang hindi na masyadong active at pabagya-bagya munang namahinga sa kanilang mga trabaho sa industriya. Ang iba ay nagbakasyon muna at nag focus sa kanilang personal life at personal goals. Tulad na lamang ng iba pang celebrities, si Sarah Geronimo din ay ine-enjoy muna ang bawat oras na pwede siyang magpahinga.

Credit: justsarahgph instagram

Noon pa man, ang aktres ay “very lowkey” na pagdating sa kanyang personal na buhay. Mapapansing wala siyang masyadong ibinabahaging mga detalye tungkol sa kanyang buhay sa social media. Kung bibisitahin din ang kanyang social media accounts, lalo na ang kanyang Instragram ay makikita lamang na halos ang kanyang mga posts ay mga sponsored posts o mga advertisements.

Credit: justsarahgph instagram

Ngunit kailan lamang nang napadalas makita ang mga pictures ni Sarah sa social media dahil sa mga posts kung saan masasaksihan ang new look ng singer. Sa Instagram post sa sariling account ng makeup artist ni Sarah Geronimo na si Gela Laurel Stehmeier (@gelalaurel), ibinahagi niya ang iilang litrato ng celebrity matapos niya itong ayusan.

Credit: justsarahgph instagram

May caption ang post na “Monday hues! Sarah G!!! #makeupbyGelaLaurel”. Kapansin pansin dito ang bagong hairstyle ni Sarah. Ito umano ang shortest hairstyle ng singer-slash-actress sa kabuoan ng kanyang showbiz career. Ito ay isang pixie haircut. Kitang-kita naman sa mga captured photos niya na gustong gusto niya ang kanyang new look.

Credit: justsarahgph instagram

Kita sa kanyang mga pose na feel na feel niya ang kanyang look at siya ay confident. Hindi naman naiwasang magcomment ang mga ibang celebrity sa nasabing post upang iparating ang kanilang admiration.

Maaalalang unang nasilayan ito ng mga tagahanga ng singer at iba pang netizens nang magkaroon ng appearance si Sarah at ang asawa niyang si Matteo Guidicelli para sa 5th anniversary virtual event ng ine-endorse nilang membership shopping store.

Credit: Gela Laurel Stehmeier instagram

Ginulat ni Sarah ang mga netizens lalo na ang kanyang mga supporters sa kanyang new hairdo kaya naman ang iba ay hindi naiwasang isipin na wig lamang ito. Sa post naman ng hairstylist ni Sarah G., kinumpirma niya na totoo ang new hairdo ni Sarah.

Credit: Gela Laurel Stehmeier instagram

Sa ngayon ay hindi na ganon ka-active si Sarah Geronimo pagdating sa mga public appearances lalo na sa telebisyon dahil nagfofocus muna siya sa kanyang “married life” kasama ang asawa niyang si Matteo.

Credit: Gela Laurel Stehmeier instagram

Matatandaan namang kailan lang nang maganap ang “Tala: The Film Concert” ni Sarah na naging big hit. Ito ang kanyang naging big stage comeback pagkatapos ng medyo mahabang panahon niyang pamamahinga sa “ASAP Natin ‘To” kung saan siya laging napapanood noon.

The post Sarah Geronimo, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa kanyang bagong hairstyle appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments