Filipino Broadcaster na si Rhea Santos, masayang ibinahagi na sya ay nakapagtapos na ng kanyang 2 year program sa ibang bansa

Ang Filipino broadcaster na si Rhea Santos ay nakapagtapos ng 2-year program sa ibang bansa. Ibinahagi niya ang official graduation photos niya sa social media na nagpapatunay na siya ay nag-graduate ngayong taong 2021.

Credit: Rhea Santos instagram

Si Rhea ay nag-aral sa bansang Canada. Siya ay nakapagtapos sa kursong Broadcast and Online Journalism. Ipinagmalaki ng news anchor at TV host ang achievement na ito. Sa British Columbia Institute of Technology nakapasok si Rhea at pinasukan ang two-year diploma program.

Credit: Rhea Santos instagram

Noong July 29, proud na ibinahagi ng journalist sa kanyang Instagram account ang kanyang mga litrato. Makikita sa mga larawan na ito si Rhea na may malaking ngiti habang suot ang kanyang itim na toga. Mababasa sa caption ng nasabing post ang pag-acknowledge niya sa kanyang #dguzboys na nagsilbi niya umanong mga inspirason upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang achievement na ito.

Credit: Rhea Santos instagram

Ang #dguzboys ay kinabibilangan ng asawa niyang si Carlo De Guzman at dalawa niyang anak na sina Uno at Yuan. “Hey #dguzboys, we did it! You’ve driven me to have courage, inspired me to go forward and have always loved me unconditionally.” ang panimula ni Rhea sa kanyang caption.
Hindi rin nalimutang banggitin ni Rhea ang kanyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas at California, USA. Inaalay niya ang nakamit niyang ito sa kanila.

Credit: Rhea Santos instagram

“This is also for loved ones in the Philippines and in California who would have wanted to share this milestone with me.” ang sabi ng fresh graduate. Sapat na para kay Rhea na malaman na nasa mabuting kondisyon ang kanyang mga mahal sa buhay bilang regalo sa kanya.

Credit: Rhea Santos instagram

“Knowing that you are all in good health is the best gift you can give as my family positively yearns for the day we can all be together again.” ang dagdag nito. “To my fellow graduates of 2021, to fellow #Filipino international student graduates, we rocked it amidst the gl0bal #p@ndemic. Celebrating with you… Officially a #BCITGrad2021 ️ #graduate” ang huli niiyang mga sinabi sa caption.

Credit: Rhea Santos instagram

Nagtungong Canada si Rhea at kanyang pamilya noong August 2019. Si Rhea Santos-de Guzman ay naging co-anchor sa GMA Network’s morning show na Unang Hirit at naging host din sa ilan pang news and public affairs programs tulad ng Reporter’s Notebook at Tunay na Buhay. 19 years na nagtrabaho si Rhea sa GMA.

Credit: Rhea Santos instagram

 

May ilang pictures namang ibinahagi si Rhea sa social media na mga naging pasilip sa kanyang naging pamumuhay sa Canada. Kitang-kita sa mga pictures na marami na rin siyang napasyalan sa bansa at naging komportable sa naging pamumuhay niya rito.

The post Filipino Broadcaster na si Rhea Santos, masayang ibinahagi na sya ay nakapagtapos na ng kanyang 2 year program sa ibang bansa appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments