Kilalang- kilala ng mga teenagers ngayon lalo na ang mga all time viewers sa Youtube at laging gumagamit ng Social Media ang sikat na sikat at magaling na dancer na si Ranz Kyle Viniel Ongsee o mas kilala ngayon bilang Ranz Kyle.
Credit: Niana instagram
Matatandaang bago mas nakilala ngayon si Ranz ay naging parte ito ng isang Filipino boyband na Chicser noong 2010 at hindi lamang iyon dahil nagiging extra rin ito sa mga show sa TV5 noon kaya naman kilala na ito noon pa bago umarangkada ang kanyang career ng tuluyan.
Credit: Niana instagram
Noong 2011 ay unang binuksan ni Ranz ang kanyang Youtube channel upang mag- upload ng kanyang mga dance videos at ipamalas sa mga nakakarami ang kanyang taglay na talent sa pag- sasayaw. Ngunit nitong 2017 lamang mas nakilala ito at sumikat nang magsimulang mag-upload ito ng mga dance cover kasama ang kanyang nakakabatang kapatid na si Niana Guerrero.
Credit: Niana instagram
Umarangkada ang kasikatan ng mag- kapatid nang naging trending at nagkaroon ng maraming views ang kanilang dance cover sa kantang ‘Despacito’. Simula noon ay napadalas na ang pag- gawa at pag- upload ni Ranz Kyle ng mga dance cover kasama si Niana sa kanyang Youtube Channel.
Credit: Niana instagram
Simula noon ay mas sumikat at nakilala na ng madla sina Ranz Kyle at Niana at ngayon ay may kanya- kanya na itong mga Youtube Channel. Si Ranz ay mayroon nang 14.4 milyong subscribers samantalang si Niana ay mayroon nang 13.7 milyong subscribers.
Credit: Niana instagram
Kaya naman hindi maipagkakaila na maraming Pilipino ang nakakakilala sa mag- kapatid at hindi lamang dito sa Pilipinas maraming tagahanga ang mga ito kung hindi pati na rin sa ibang bansa.
Noong 2019 ay ipinasok din ni Niana ang Tiktok kung saan nagpo- post ito ng kanyang mga dance covers at ngayon ay siya ang may pinaka-maraming followers sa buong Pilipinas dahil mayroon itong 25 milyon followers.
At kamakailan-lamang ay ibinahagi ni Ranz sa kanyang Youtube channel ang groundbreaking ceremony ng kanilang bagong bahay at ikinuwento nito sa vlog kung gaano kasaya ito at ang kanyang pamilya sa kanilang na-achieve.
Credit: Niana instagram
Ayon kay Ranz ay matagal nang binili ng mga ito ang lupa ngunit ngayon lang umano sila nagkaroon ng pagkakataon upang simulan ang groundbreaking. Ang groundbreaking ay dati pa dapat naganap at nasimulan ngunit nang dahil sa p@nd3mic ay napag-desisyunan ng mga it na ipag-paliban muna.
“It’s supposed to happen like years ago pa. But the p@nd3mic happened, so everything got delayed.” Saad ni Ranz.
Ibinahagi rin nito ang kanyang mga plano sa kanilang dream house at may sari-sariling ideas ang limang magkakapatid sa kani-kanilang kwarto. Ayon kay Ranz, matagal na nitong gustong magkaroon ng sariling space kaya mag-papagawa ito ng loft na magiging mini house nito.
View this post on Instagram
“I wanted a loft ‘cause I wanted like my own place. So there’s like a small kitchen, a small bar, a living room.” Ani niya. Ibinahagi rin ni Niana na mamimiss niya ang kanilang dating bahay dahil doon umano ito lumaki at tumira mula pagka-silang nito. “I’m gonna miss our old house, though. Kasi everything happened there. We’re gonna cri when we leave. I lived there my whole life.” Kuwento nito.
View this post on Instagram
Hindi naman mapigilan ng mga magulang nina Ranz ang kanilang nararamdamang saya dahil sa wakas ay magkakaroon na ang kanilang pamilya ng sarili nilang bahay at na-achieve na nila ito sa tagal ng panahon.
The post Vlogger/dancer na sina Ranz at Niana Guerrero, pinasilip ang groundbreaking ng kanilang itatayong dream house appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments