Tingnan ang masayang bonding nina Meryll Soriano at kanyang mga kapatid sa napakagandang resort ng kanilang ama sa Puerto Galera

Bilang pagpapahalaga at pasasalamat sa mga sakripisy0 at pagmamahal ng bawat ama ay sinecelebrate ang Father’s Day sa iba’t ibang dako ng mundo. Sa sobrang halaga ng araw na ito na inaalay para sa mga ama ay walang kahit sinuman o anuman ang makakapigil sa pagseselebra rito.
Sa kabila ng C0v!d ay nairaos ng mga tao ang celebration para sa Father’s Day sa iba’t ibang paraan.

Credit: Meryll Soriano youtube

Maraming mga indibidwal sa industriya ng Showbiz rin ang nagbahagi sa mga ganap nila sa araw na ito. Isa sa mga celebrity na ipinasilip ang kanilang celebration para sa Father’s Day ay si Meryll Soriano. Ibinahagi niya ito sa Youtube sa sarili niyang channel kung saan ang title ng vlog ay “Father’s Day Special with my Tatay- Willie Revillame (plus Puerto Galera House Tour) Part 1.

Credit: Meryll Soriano youtube

Tamang tama na ang vlog na ito ay nakalaaan para sa selebrasyon ng Father’s Day dahil sa unang bahagi pa lamang ng video ay masasaksihan na kung paano si Willie Revillame sa likod ng camera. Sa literal na likod ng camera, si Willie ay isang ‘stage dad’.

Credit: Meryll Soriano youtube

Sa araw na ito ay nakasama ni Willie ang mga anak niyang sina Meryll, Marimonte at Juan Emmanuel. Nakasama niya rin ang mga apo niya kay Meryll na sina Elijah at ang 6-months old baby boy na buhat buhat ni Willie sa unang parte ng vlog. Hindi lamang selebrasyon ang mapapanood dito kundi ipinasilip na rin ni Meryll ang pagmamay-aring private res0rt ng pamilya.

Credit: Meryll Soriano youtube

Kapansinpansin rin sa vlog ang mga yate at helicopter na pagmamay-ari ni Willie. Habang sila ay naglilibot sa beach gamit ang isa sa mga yate, ay nagkekwentuhan naman ang mag-amang Willie at Meryll kung saan mayroon pang itinuturong tips si Willie pagdating sa mga spiels. Ayon kay Meryll, ay sa yate raw madalas magrelax at mag-isip isip ang kaniyang papa.

Credit: Meryll Soriano youtube

Sa huling bahagi ng vlog ay nagkwento sina Marimonte at Juamee kung paano nila nakakabonding ang ama. Hindi madalas nakakasama ni Marimonte ang ama dahil siya ay naninirahan sa Baguio habang si Juamee naman ay napadalas niyang makasama ngayon ang ama dahil sa p@nd3mic.

Credit: Meryll Soriano youtube

Nabanggit naman ng apo niyang si Elijah na pwera sa kaniyang ama ay ang kaniyang lolo na si Willie ay ang tumatayo rin bilang kaniyang tatay. Minsan lang magkasama-sama ang magpapamilya sa kadahilanang malayo sila sa isa’t isa kaya napakasaya nila na sila’y pinasundo ni Willie at nakapagbonding. Makikita rin na naging masaya si Willie sa selebrasyon ng Father’s Day dahil sa quality time na ito.

The post Tingnan ang masayang bonding nina Meryll Soriano at kanyang mga kapatid sa napakagandang resort ng kanilang ama sa Puerto Galera appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments