Jayda Avanzado, masayang nagdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan

Isa ngayon sa mga rising star ng Philippine music industry ay ang napaka- galing at talented sa pag-awit at pag-sulat ng mga kanta na si Jayda Avanzado. Si Jayda Avanzado ay ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na parehong kilala at sikat na recording artist at isa rin sa mga may best selling albums dito sa Pilipinas. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa kanyang magulang.

Credit: Niceprintphoto instagram

Dahil maraming Pilipino ang lumaking kinakanta sa mga videoke ang mga kantang isinulat at ikinanta ng kanyang mga magulang. Ngunit sa pagkakataon at henerasyong ito ay unti-unting ginagawan at tinatayo ni Jayda ang kanyang sariling pangalanan sa music industriya.

Credit: Niceprintphoto instagram

Tulad ng kanyang mga magulang ay hindi binigo ni Jayda ang mga pilipino dahil mayroon din itong taglay at natural na galing sa pag-awit at pagsu-sulat ng kanta dahil sa murang edad ay mahal na mahal na niya ang musika.

Credit: Niceprintphoto instagram

Sa edad na 17 ay pinasok na ni Jayda ang showbiz upang ipamalas ang kanyang galing at talent sa musika kaya naman ito ay kabilang sa Rise Artists Studio.

Kamakailan-lamang ay nagkaroon si Jayda ng kanyang sariling major concert na pinamagatang ‘Jayda in concert’ para sa i- promote ang kanyang debut album na ‘Bahagi’ at ang kanyang lead single na “Tunay” na avaibale na ngayon sa mga streaming platforms tulad ng Spotify, Apple music at iba pa.

Credit: Niceprintphoto instagram

Kaya naman hindi mapigilan nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ang maging proud sa kanilang nag-iisang anak dahil unti-unti na nitong natutupad ang kanyang pangarap at maging isang magaling na singer tulad ng kanyang mga magulang.

Credit: Niceprintphoto instagram

Nito lamang July ay ibinahagi ng Nice print photography ang video ng naging intimate debut ni Jayda sa kanilang Youtube channel na ginanap sa Okada Manila sa Paranaque City.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ang debut ni Jayda ay talaga namang intimate lamang dahil ang malalapit lang nitong mga kaibigan at pamilya ang naroroon sa pagdiriwang ng kanyang ika 18th na birthday.
Isa sa mga bisitang dumalo sa debut ay ang mga artistang sina Francine Diaz, Robi Domingo, Bugoy Drilon at Inigo Pascual at may roon pang iba.

Credit: Niceprintphoto instagram

Sa isang debut ay hindi mawawala ang mga mensahe ng mga magulang ng debutant kaya naman hindi nagpahuli si Jessa at binigyan nito ng maikli pero maganda at sweet na mensahe ang anak.
“I’m so proud of you anak. Alam ko yung hard work mo grabe. Bilib ako sa work ethic mo, sa lahat ng ginagawa mo. Andito lang kami lagi ni Dad sa likod mo. I love you baby.” Saad nito habang emotional na nakatingin sa anak.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ang kanyang daddy na si Dingdong Avanzado ay nagbigay din ng kanyang mensahe para sa anak at hiniling nito na lalo pang maging successful ang career ni Jayda.

Credit: Niceprintphoto instagram
“Jayda, here’s t0 m0re succ3ss to your career. Here’s t0 a bl0ss0ming young lady, may you be blessed in y0ur career, I’m not g0ing to say in your l0ve life yet but… lahat yan sa tamang panahon. Wishing y0u all the succ3ss, may y0ur journey be gr3at,” mensahe ito sa anak.

Credit: Niceprintphoto instagram

Labis ang saya at proud ni Dingdong sa anak dahil alam nito na lalong magiging successful si Jayda sa career nito sa pag-kanta tulad ng kanyang asawa. “all the people here, are drinking to you because they all believe in you from the very start.” Dagdag pa nito.

The post Jayda Avanzado, masayang nagdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments