Alex Gonzaga, kinagiliwan ng maraming netizen habang nag-aalaga kay Baby Amari

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Ngayon panahon ng p@nd3mya ay lalong tumaas ang bilang ng mga taong bumibista sa Youtube upang maibsan ang kanilang pagka-inip sa araw-araw.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Ang iba naman ay iba ang paraan upang maibsan ang kanilang boredom dahil imbis na tumamabay sila sa YT at manood ng iba’t ibang videos ay sila mismo ang gumagawa ng sariling channel para sa kanilang mga videos na maaaring panoorin ng kahit na sino.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Mapapansing maraming personalidad sa industriya ng Showbiz ang pinasok na rin ang mundo ng Youtube. Sila ay nagpoproduce ng mga content na minsan ay maaaring pagkuhanan ng aral sa buhay o kaya’y magbibigay ng saya sa kanilang mga audience. Isa sa mga tanyag na Showbiz personality ang naging ganap na vlogger na rin ay si Alex Gonzaga.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Sa kaniyang latest videong “Yaya for a Day by Alex Gonzaga” ay naka-collab niya ang mga ‘The Crawfords’ na knaiyang mga kaibigan sa industriya.

Credit: Alex Gonzaga Youtube
Sa vlog na ito ay naging yaya si Alex ng anak nina Billy and Coleen Crawford na si Amari. Masasaksihan dito ang daily routine at favorite activities ng baby boy habang inaalalayan ni Alex bilang yaya.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Hindi rin ipinalampas ibida ni Amari ang mga kaya na niyang gawin tulad ng pag-akyat sa hagdan habang may naka-antabay sa kaniya at ang paghugas ng kamay. Ayon kay Coleen na mahilig magpasikat ang anak kaya gustong gusto nito na may nanonood sa kaniya habang ginagawa ang mga activities.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Isa pa sa naranasan ni Alex ay ang hugasin si Amari pagkatapos niyang tumae. Nakakapagod man ang naging araw ni Alex dahil sa ginawa niya ay nag-enjoy naman siya sa experience na ito. Pabiro naman siyang ini-rate ni Billy na -6/10 bilang yaya.

 

 

Makikita sa description ng vlog na nagpasalamat si Alex kina Billy at Coleen Crawford. May pabiro ring siyang message na “Amari, kapag nababasa mo na ito, oo nagamit din kita sa vlog ko wala ka pang alam at muwang pero may pahintul0t naman ng magulang mo kaya sila sisisihin mo ah.”

Kasalukuyang mayroong 10.8M subscribers si Catherine Cruz Gonzaga Morada na mas kilala bilang Alex Gonzaga. Dumami ang tagasuporta ni Alex dahil sa kaniyang personality na effortless magpasaya ng mga manonood.

Masaya rin si Alex sa kaniyang career sa Youtube dahil ayon sa kaniya, sa vlogging ay nagkaroon siya ng oportunidad na ipakita kung ano siya ‘in real life’. Dito ay malaya siyang gawin ang mga gusto niya.

The post Alex Gonzaga, kinagiliwan ng maraming netizen habang nag-aalaga kay Baby Amari appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments