Talitha Sotto, pinahanga ang mga netizen habang binabasa ang libro ng mga pagkaing Filipino

Nagpahanga nanaman ng maraming netizens si Baby Tali Sotto dahil sa isang bidyo na ibinahagi ng kanyang ina na si Pauleen Luna sa kanyang Instagram account. Sa nasabing bidyo, binasa ng tatlong taong gulang na si Baby Tali ang isang libro ng mga bata na nagtatampok ng pagkaing Pilipino. Kaya ang caption ni Pauleen Luna sa kanyang post ay “Introducing Filipino food to Tali!”

Masayang ibinahagi ng Ina na si Pauleen Luna kung ano ang paboritong pinoy food ni Baby Tali. Gustong-gusto daw ni Tali ang mga pinoy food lalo na kapag may sabaw ito tulad na lamang ng sinigang, monggo, bulanglang at marami pang iba.

Sinabi rin ni Pauleen kung saan nila galing ang librong binabasa ng kanyang unica hija. Lubos itong nagagalak dahil natuklasan nila ang libro ng @pumplepiebooks dahil natutulungan nito na malaman ng kanyang anak ang mga hindi pamilyar na pinoy food sa kanya.

Ipinahayag ng host ng “Eat Bulaga” kung gaano siya ka-proud sa kanyang matalinong anak na babae. Proud ito sa kanyang unica hija dahil nabasa niya lahat ng maayos kung ano ang nakalagay sa libro kahit na hindi daw mapapayag si Baby Tali nung una na magbasa sila ng libro.

Ibinahagi din ni Pauleen na ang pagbabasa ay talagang isa sa kanilang mga aktibidad sa araw-araw lalo na ngayong p@ndem!c. Sa bahay na lamang pweding maglibang at hiling nalang ng host na si Pauleen na sana ay hindi magsawa ang kanyang anak sa kanilang ganitong klasing bonding.

Kung mapapanood nga naman ang kanilang bidyo sa Instagram Account ng host na si Pauleen Luna sa loob ng mahigit na limang minutong bidyo ay makikita kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa at kung gaano kasaya ang dalawa sa kanilang ginagawang bonding.

Isang araw lamang ang lumipas kaagad umabot ito ng dalawang daan libong views at sandamakmak na komento galing sa kanilang mga taga-hanga.

The post Talitha Sotto, pinahanga ang mga netizen habang binabasa ang libro ng mga pagkaing Filipino appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments