Nadine Samonte, masayang ibinahagi na sya ang buntis sa kanyang pangatlong anak

Inanunsyo sa publiko nina Nadine Samonte at asawang si Richard Chua gamit ang social media ang balitang may inaabangan nanaman silang biyaya, at iyon ay ang kanilang pangatlong anak.
Matatandaang si Nadine Burgos Eidloth-Chua o mas kilala bilang Nadine Samonte ay isang commercial model at aktres na napabilang sa marami na ring mga palabas o teleserye.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Naging kabilang din siya sa first season ng StarStrvck na isang reality talent competition. Ang kaniyang napangasawa ay si Richard Chua na isang businessman at anak ng betaranong aktres na si Isabel Rivas. Ibinahagi sa Instagram post ng dating aktres na si Nadine Samonte noong June 9, ang balitang sila na ngayon ay “family of five” sa pamamagitan ng pagpost ng picture na kasama ang kaniyang asawa, dalawang anak at pati na rin siya kung saan mahahalata na ang kaniyang “baby bump”.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Ang nakalagay sa kaniyang caption ay “Happy to announce that now we are a family of 5 .😍 Hello second trimester😊” na may mga hashtags na #thankyouLord #unexpectedgift #baby3 #vlogsoon. Kasalukuyan nang nasa second trimester na ang pagbubuntis ng dating aktres.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Nagpost din ang kaniyang asawa na si Richard Chua sa kaniyang Instagram account na kapareho ang litrato ngunit may ibang caption na, “And just like that we’re a basketball team ❤ @nadinesamonte” at may mga nakalagay na hashtags na #starting5 #babysoon #familyiseverything.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

 

Makikita naman sa comment section na pinaulanan ng mga Congratulatory messages ang mag-asawa sa mga nasabing posts na ibinahagi nila. Karamihan sa kanila ay ang mga kaibigan ng dalawa at mga dating kasamahan o katrabaho sa Industriya ng Showbiz na sina Mariel Rodriguez, Yasmien Kurdi, Isabel Oli, Rachel Peters, Melissa Ricks, Kean Cipriano, Chynna Ortaleza, Sheena Halili, and Charee Pineda.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Makikita sa kanilang mga mensahe ang saya na nararamdaman nila para sa kaibigan at dating kasamahan sa inanunsyong good news. Kinasal ang dalawa noong October 30, 2013 sa isang private ceremony na ginanap sa Zambales.

Sa una ay pinili muna nilang itago o gawing pribado ang marriage na naganap at napagdesisyunan lamang na isapubliko ito sa kanilang 1st wedding anniversary. Nasabi ni Nadine na ginawa nila iyon dahil nais lamang nilang magkaroon ng kanilang priv@cy bilang isang bagong kasal.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Ngayon naman ay patuluy na lumalaki at mas sumasaya ang kanilang nabubuong pamilya. Noong 2016, ipinanganak ang panganay nilang si Heather Sloane habang noong taong 2019 naman ang kanilang pangalawang anak na si Austin Titus. Ngayon 2021 naman aasahan ang paglabas ng kanilang pangatlong anak.

The post Nadine Samonte, masayang ibinahagi na sya ang buntis sa kanyang pangatlong anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments