Isabelle Daza, isinilang na ang kanyang pangalawang anak na si Valentin

Isabelle Daza isinilang na ang kanyang pangalawang anak na pinangalanan nilang Valentin.
Noong Wednesday April 21 ay masayang masaya at proud na ibinahagi ng mag asawang Adrien Semblat at Isabelle Daza ang balita na isinilang na ang kanilang pangalawang anak.

Credit: Isabelle Daza instagram

Sa Hong Kong nga nagsilang si Isabelle Daza at pinangalanan nila ito ng Valentin. Sa instagram ay pinost ni Adrien ang isang polaroid picture kung saan makikita sila kasama si Isabelle sa isang hospital room at buhat nga ni Isabelle ang kanilang bagong silang na sanggol habang may hand written note na nakalagay sa larawan na nagsasabing “Valentin April 9, 2021.

Credit: Isabelle Daza instagram

Ani naman ni Adrien sa kanyang caption, “Welcome to this world Valentin!” Samantala, si Isabelle naman ay pinost rin ang kaparehong polaroid picture sa kanyang social media account.
Narito ang sabi ni Isabelle sa kanyang caption sa instagram post, “Valentin, we are so happy you exist,”

Credit: Isabelle Daza instagram

Kasama nga ang polaroid picture ay nag post rin si Isabelle ng series of picture kung saan makikita ang ilan sa kanyang pregnancy photos gayon din ang maliit na kamay ni Valentin at ang panganay na anak nilang si Balthazar Gabriel na nag cecelebrate din ng pagiging kuya nya sa pagdating ng kanyang little brother.

Credit: Isabelle Daza instagram

Kwento ni Isabelle ay naisip nila na magkaroon ng kuya Baltie party or big brother party para kay Baltie, ng sa ganon ay ma feel nito ang kanyang role na pagiging kuya at ng hindi siya makaramdam ng selos sa kanyang bunsong kapatid na si Valentin.

Credit: Isabelle Daza instagram

Ang panganay na anak nina Isabelle at Adrien na si Baltie ay isinilang noong March 31, 2018 siya ay 3 years old na ngayong kasalukuyan at talaga naman na napaka charming nito. Ngayon nga na baby boy ulit ang anak nina Isabelle at Adrien ay inaasahan nga ng marami na magiging cute din ito paglaki gaya ng kanyang kuya Baltie.

The post Isabelle Daza, isinilang na ang kanyang pangalawang anak na si Valentin appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments