Anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto, masayang nagdiwang ng ika-2 taong kaarawan

Talaga nga namang napakabilis ng panahon. Kamakailan lang, April 16 nang magdiwang si Baby Sixto ng kanyang 2nd birthday. Si Baby Sixto ay ang ikalawang anak at only son ni Dingdong Dantes at Marian Rivera. At dahil nasa community quarantine pa rin ang bansa, ipinagdiwang ni Dingdong at Marian ang birthday ng kanilang anak sa kanilang bahay kung paanong nagawa nila ito noong nakaraang taon sa kaniyang 1st birthday.

Credit: Marian Rivera instagram

Makikita sa IG ang napakacute na larawan ni Sixto kasama ang kanyang mga napakaraming mga cakes mula sa pamilya at kaibigan. Mayroong ding pa video chat greeting si Sixto mula sa kanyang lolo na si Javier Garcia Alonso, ama ni Marian na nasa Madrid, Spain.

Credit: Marian Rivera instagram

At siyempre, nag upload din si Dingdong ng kanyang napaka sweet na mensahe sa kanyang bunsong anak para sa kanyang 2nd birthday, “I was going through old photos, when I came across this picture that I had taken around the same time last year (bago kita tuluyang kinalbo ). I couldn’t believe how time flies so fast that in a couple of days, you’ll be turning two.

Credit: Marian Rivera instagram

“So many things had happened, so many realizations, and so many challenges such as this p@nd3mic that we have to f!ght as a nation. “It may not be an ideal world to live in, but we, your parents, will do our best to inculcate in you and your Ate Z the renewed (and strengthened) version of values and principles of humanity,” mensahe ni Dingdong.

Credit: Marian Rivera instagram

April 16, 2019 nang maisilang ni Marian si Baby Sixto o kilala din bilang Jose Sixto G. Dantes IV. Napaka cute at gwapo din naman ni Baby Sixto na manang mana sa kanyang mga magulang.
Nagpaabot din naman ng mga pagbati ang mga netizens kay Sixto. Siguradong masayang masaya si baby Sixto sa kanyang kaarawan.

Credit: Marian Rivera instagram

The post Anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto, masayang nagdiwang ng ika-2 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments