Oyo Sotto, masayang masaya na ibinalita na ang gender ng kanilang magiging pang limang anak ay lalake

Isang malaking blessing mula sa Panginoon ang pagkakaroon ng isang baby. Bukod dito, isa din itong responsibilidad na dapat nga namang gawin para sa mga magulang.

Sabi nga nila, ibinigay ng Panginoon ang isang baby sa mag-asawa para sila ang maging gabay at mag-alaga dito. Kaya naman, marami sa mga mag-asawa ngayon ang nagdarasal sa Panginoon na magkaroon na ng anak.

At lagi namang prayer granted ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. Dahil sa pagkakataong ito, ay masayang ibinahagi ng mag-asawa ang good news na sila ay magkakaroon na ng ikalimang anak.

Healthy preggy mommy ngayon si Kristine sa kanilang 5th child. Sa katunayan, gusto talaga nila na magkaroon ng baby girl. At sa sonogram na pinost ni Oyo makikita na isang baby Boy ito. Syempre, thankful talaga sina Oyo at Kristine dito.

Makikita sa IG caption kung gaano nga ba kapasalamat ang mag-asawa sa pagdating ni baby boy.

“It’s a boy! Again! Hahahaha!!!😂 Thank you Lord!❤ We were really praying for a girl.. pero ito ang binigay ng Panginoon.❤ Babae man o lalaki, we are more than grateful to God.😊 He knows and controls everything. So paano na Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito???😅P.S. pinag malaki nya talagang lalaki sya sa second picture 😂,” saad ni Oyo sa kanyang IG.

Matatandaang panaganay na anak ng mag-asawa si Ondrea habang dumating sa buhay nila ang kanilang first adopted son na si Kiel. 2014 nang naisilang naman si Kaleb at 2016 naipanganak si Marvin.

Kaya naman, masayang masaya ang mga netizens para sa kanilang patuloy na lumalaking pamilya.
“Congrats,humayot magparami.blessed po kayo atisa po kayong mabuting magulang sa magiging mga anak ninyo kahit i bless pa kau uli ng another baby”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

“ganda talaga ni Mommy Kristine! very blessed ♥😍♥
“Congratulations Idol Oyo & Idol Kristine sa ikalimang anak niyo na na Baby Boy ngayon. God bless sa kanya.”

The post Oyo Sotto, masayang masaya na ibinalita na ang gender ng kanilang magiging pang limang anak ay lalake appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments