Kilalanin ang napakagwapong anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez

Isa sa mga celebrity son ni Rudy Fernandez at Alma Moreno ay si Mark Anthony Fernandez. Nakilala si Mark Anthony sa kanyang mga TV shows at pelikula gaya ng “Pare Ko,” “Mangarap Ka”, “Matimbang Pa sa Dug0” na kung saan siya ay naging Best Actor at Best Supporting Actor sa mga pelikulang ito.

Credit: Grae Fernandez instagram

Pero, hindi lang si Mark Anthony ang kum@ripas sa showbiz. Dahil maging ang kanyang 19 taong gulang na anak na si Grae ay sumunod na sa kanyang mga yapak sa showbiz. Pinasok na rin talaga niya ang kanyang acting career. Isa sa mga latest show ngayon ni Grae ay ang ABS-CBN primetime series na “Ang Sa Iyo ay Akin” na kung saan umere na ang final episode nito noong Biyernes ng gabi. Dahil sa mga ito, ay nakilala si Grae sa pag-arte. Kaya naman, proud dad talaga si Mark.

Credit: Grae Fernandez instagram

“I’m happy with everything that has been happening to my son now. Alam ko ‘yung puso niya. Gusto niya talagang maging artista. Natutuwa talaga ako at nagsusumikap siya,” saad ni Mark.

Credit: Grae Fernandez instagram

Matatandaang separ@ted na si Mark sa asawang si Melissa Garcia. Kaya naman, ngayon ay pinapayuhan niya talaga ang kanyang anak.

“Ako na ‘yung nagkusang loob a few times noong may pagkakataon na akong magpayo. Proud ako bilang tatay at may magandang nangyari sa kanya. Nagbibinata siya at nagiging independent. Huwag siyang mawalan ng patience being an actor,” saad ni Mark.

Credit: Grae Fernandez instagram

Payo pa ni Mark sa anak, ay magpatuloy lang na maghanap ng mga opportunities para sa kanya.
“Trabaho lang ng trabaho. Hanap lang ng magandang kwento o magandang project at maka-jackpot din siya na talagang markado ang role. Pwede niyang mapanal0 ‘yung role at magustuhan ng tao,” pahayag pa niya.

Credit: Grae Fernandez instagram

Nang tanungin naman kung ano ang kanyang wish na project, ito daw ay ang bi0pic ni dating senador Gringo Honasan at kung sakali ay gusto niyang makatrabaho ang anak.

“Can anybody convince a producer to buy the story rights of Senator Gringo Honasan? Maybe Grae can also be in it or I can be in it with Grae, that will be a big project for both us,” he said. “Kung maganda ang project, bakit hindi kami magsasama? We really need a good project to work together. Alam ko mangyayari din ‘yan,” pagbabahagi pa ni Mark.

Credit: Grae Fernandez instagram

Wala nga namang imposible. Malay natin ay isang araw ay masilayan din naman natin ang kanilang kwento.

 

The post Kilalanin ang napakagwapong anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments