Ivana Alawi, di napigilang maiyak dahil sa di inaasahang kabaitan na ipinakita sa kanya ng mga taong ito kahit sila ay mahihirap lang din

Ano nga ba ang pauna mong reaksyon kapag nakakita ka ng pulubi? Ang iba’y nagbibigay agad, habang ang iba ay medyo nagdadalawang isip pa o kaya nama’y di na lang papansinin ito.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Pero, mabibigla ka kaya kung ang binigyan mong pulubi ay siya naman ang magbabalik sayo ng mas malaking halaga ng pera?

Credit: Ivana Alawi Youtube

Iyan ang naging laman ng vlog ngayon ni Ivana Alawi sa Youtube. Pulubi challenge, na kung saan nagpanggap si Ivana na pulubi. Mula sa bihis at make-up ni Ivana ay talagang di mo siya makikilala kaya naman tignan natin kung marami ba ang nagbigay sa kanya.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Isa sa mga pinuntahan ni Ivana ay ang lalaking nakatambay sa waiting shade na kung saan nagbigay ng dalawang piso. Kaya naman, nagbigay si Ivana ng 2,000 pesos sa kanya na di naman talaga niya inexpect.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Kasunod nito, ay ang mga volunteers na nagbabantay sa checkpoint. Nagabot sila ng 20 pesos kaya naman 20,000 naman ang natanggap nila na todo ang pasasalamat kay Ivana.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Nang nasa park naman si Ivana, ay nag-abot ang kuyang nagtitinda ng painting ng 20 pesos at tindera ng mani ng kanyang binebenta. Nabigla si kuya na nakatanggap siya ng 20,000 mula kay Ivana.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Isa sa mga pumukaw ng atensyon sa video ay si Tatay na nagtitinda ng puto at kutsinta. Sa paghingi ni Ivana, ay agad itong nag-abot ng 20 pesos at nagbigay pa ng kanyang babauning kutsinta. Balak pa nga niyang bilhan si Ivana ng softdrinks o tubig.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Kaya naman, di na mapigilan ni Ivana na mapaiyak dahil sa sobrang touching ng kwento at kabaitan ni tatay. Sinabi pa nga ni Ivana na itawag na daw sa kanya ay tatay. Laking gulat niya ng bigyan na siya ni Ivana ng 20,000. Para kay Tatay, ay hulog ng langit ito dahil balak niya ding bumili ng kanyang bike para di na siya magbuhat.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Bukod pa sa kanila, ay marami pang natulungan at nabigyan si Ivana.

The post Ivana Alawi, di napigilang maiyak dahil sa di inaasahang kabaitan na ipinakita sa kanya ng mga taong ito kahit sila ay mahihirap lang din appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments