Sheena Halili, masayang idinaos ang kanyang ika- 34 taong kaarawan

Sa gitna ng p@nd3myang pinagdadaanan natin, may mga rason pa rin upang ipagpasalamat. Para sa first-time mom na aktres na si Sheena Halili, naging espesyal ang kaniyang ika-34 na kaarawan ngayong buwan, sapagkat sa unang pagkakataon ay ipinagdiwang niya ito kasama ang anak niyang si Martina Candice.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

Ipinakita ng StarStruck Alumna sa kaniyang Instagram account ang ilan sa mga kaganapan sa idinaos niyang kaarawan- hindi man ito engrande, nagkaroon siya ng isang payak na zoom party para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

On several posts via Instagram, the StarStruck alumna shared some highlights of her 34th birthday–although she can’t have a big celebration, her family organized a simple zoom party just for her.
Sa kaniyang caption;

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

“Surprise Thank you sa surprise bday party via zoom! Haha”
“FYI: dahil alam kong hindi ako makakapag party gusto ko kahit papaano may picture kami ng family ko na birthday ko lalo na siyempre first bday ko kasama ang aking baby Martina. Gusto ko masaya at may vibe naman ng birthday.”

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

Kaniya pang idinagdag, “So kahapon [January 15] lang mismo nag pabili ako ng balloons at ako na rin ang nag decorate para sa sarili ko at recycled cake na ‘yan from Martina’s 1st month bday e mahilig naman talaga ako mag isip ng theme sa parties.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

“Sa isip ko di naman makakapag handa ang asawa ko dahil busy siya sa work at pagod, ang mommy ko naman siyempre pagod kami sa pag-aalaga kay baby. Sanay rin kasi ako na ako gumagawa ng lahat at gusto ko yun.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

“PERO salamat sa aking asawa, family at friends at sabay-sabay n’yo pala hinihintay ang 12mn para sa birthday ko! May hinanda pala silang cake, sash at tiara pa “Maraming salamat sa panibagong kaarawan Lord good health para sa pamilya ko yan ang wish ko!”

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

Ilan sa kaniyang mga kaibigan sa industriya ng Showbiz ang nagpahayag ng pagbati, kabilang na rito ang kapwa niya ina na si Chariz Solomon. Ibinahagi ng Bubble Gang at Pepito Manaloto comedienne ang isang throwback photo ni Sheena sa kaniyang naging bridal shower.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

Sa post ni Chariz; “O eeeeeee malay ba nating ito na ‘yung last???!! Mabuti at naitodo!!
Maligayang kaarawan sa nanay na single-handedly na nakapagpanginig kay Cocomelon!!

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

We love you sooooo much! Super blessed kami sa’yo, lalong-lalo na ang pamilya mo.
Enjoy your first birthday as a mom mareng!!!”

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

The post Sheena Halili, masayang idinaos ang kanyang ika- 34 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments