Vloggers na sila Zeinab Harake at Daryl Ruiz, masayang ibinahagi na magkakaroon na sila ng anak!

Kung mahilig kang manood ng mga vlog sa video sharing platform na YouTube ay marahil kilala mo na ang controversial couple na sina Zeinab Harake at Daryl Ruiz (a.k.a Skusta Clee).

Credit: Zeinab Harake Instagram   

Marahil nasundan mo rin ang pagpapalitan ng mga maaanghang na salita ni Zeinab at Daryl noong 2019 na humantong din sa kanilang paghihiwalay.

Bago magtapos ang taong 2020 ay may pasabog ang controversial couple tungkol sa kanilang relasyon.

Sa isang vlog sa YouTube channel ni Zeinab na may pamagat na “Birthday Surprise Revelation”, mapapanood ang sunud-sunod nilang rebelasyon tungkol sa kanilang relasyon.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Una munang ibinunyag ni Zeinab na July pa noong nakaraang taon sila nagkabalikan ni Daryl. On-and-off din umano ang kanilang relasyon ngunit sa makailang beses nilang paghihiwalay ay inilihim na lamang umano nila ito sa publiko.

Sunod na ibinunyag ni Zeinab na kasalukuyan siyang buntis sa unang anak nila ni Daryl. Emosyonal na nagkuwento si Zeinab tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Binigyang-diin ng isa sa mga orinihal na vlogger sa bansa na hindi “kasalanan” at “karma” ang kanyang ipinagbubuntis bagkus isa itong “biyaya” mula sa Diyos.

Ani Zeinab, “Gusto ko sabihin na hindi ‘to mistake. Hindi ‘to karma. Blessing ‘to galing kay God.”

Credit: Zeinab Harake Instagram

Dagdag ni Zeinab, “And ito yung pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong birthday ko.”

Matapang din na sinabi ni Zeinab na “proud” and “happy” siya ngayon dahil may bunga umano ang lahat ng pinagdaanan niyang hirap.

“Lagi kong sinasabi sa sarili ko na, malungkot mag-isa…Ngayon happy ako and proud ako…kasi after ng lahat ng struggles na naranasan ko, masasabi ko sa sarili ko na, ‘Thank you, Lord. Kasi may bunga nung lahat ng paghihirap ko, pagtitiis ko, pagdadasal ko na sana one day ibigay sa akin kung ano iyong para sa akin,” pahayag ng vlogger.

Wala rin umanong ibang mahihiling si Zeinab kundi ang tanggapin at respetuhin ng mga tao ang kanyang mga rebelasyon.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Aniya, “Wala akong ibang wish siguro ngayon kundi kung ano iyong malaman niyo sana tanggapin, respetuhin kasi ngayon palang sinasabi ko na sobrang happy ko.”

Masaya ring ikwenento nina Zeinab at Daryl na naayos na nila ang lahat ng problema na namagitan sa kanila noon.

Saad pa ni Daryl, “Kung hindi naman talaga kami maayos ngayon, hindi naman ibibigay sa amin itong baby.”

Credit: Zeinab Harake Instagram

Sa pagtatapos ng vlog ay isang pangako ang binitawan ni Daryl para sa unang anak nila ni Zeinab.

Ani Daryl, “Sabi ko, kapag lumaki ‘yung baby namin palagi naming ipapaintindi sa kanya ‘yung mga nangyari sa aming dalawa in a good way. Para hindi siya masaktan.”

Oktubre noong nakaraang taon nang unang malaman ng magkasintahan na magkakaroon na sila ng anak.

The post Vloggers na sila Zeinab Harake at Daryl Ruiz, masayang ibinahagi na magkakaroon na sila ng anak! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments