Sheena Halili, masayang ibinahagi ang 1st month celebration ng kanyang magandang anak na si Martina Candice

Napakabilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang noong ikinasal ang couple na sina Sheena Halili at si Jeron Manzanero. Naging masaya ang lahat para sa kanila lalo na at talagang suportado naman ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Credit: Sheena Halili-Manzanero instagram

Noong nakaraang taon, naibahagi na nga nila sa atin ang good news na buntis na si Sheena. At noong nakaraang buwan naman ay naipanganak na nga ang kanilang panganay na anak na si Martina Candice.

Credit: Sheena Halili-Manzanero instagram

Siya ay ipinanganak noong December 12 kaya naman noong Martes, January 12 ay nagdiwang sila ng 1st month ni Baby Martina.

Credit: Sheena Halili-Manzanero instagram

Ibinahagi ni Sheena ang mga larawan ni Martina na isang cloud-themed shoot. Napakaganda nga naman ng disenyo ng naging sh00t nila. Hindi na ito nakapagtataka dahil dinisenyo ito ng napakagaling na event stylist na si Gideon Hermosa. Mas nakakabilib pa na malaman na mismong si Sheena pa pala ang kumuha nito.

Credit: Sheena Halili-Manzanero instagram

“This bundle of joy who brought us to Cloud Nine is now a month old!” saad ni Sheena sa kanyang caption.

Credit: Sheena Halili-Manzanero instagram

Talaga namang masayang masaya si Sheena at Jeron sa pagdating ni Martina sa kanilang buhay lalo na at siya ang kanilang pinaka unang baby.
Kaya naman, ipinangalan talaga nila ang kanilang panganay na anak sa yumaong lolo ni Sheena na pareho sila ng kaarawan.

Credit: Sheena Halili-Manzanero instagram

Sa IG post, ay inilahad ang pangalan na ito at ipinaliwanag kung paano ito nakuha sa lolo ni Sheena.

“His name was Candido Halili. He was one of your mommy’s heroes—a great man who is watching over us from heaven. That’s why we decided to name you after him!” saad pa ni Sheena.

Matatandaang si Sheena ay nakilala noong 2004 sa GMA-talent search na StarStrvck. Sumikat si Sheena at ngayon ay masaya na sa kanyang pamilya. Ikinasal naman sina Sheena ay Jeron sa Blue Leaf Events Place sa Quezon City noong February 23.

The post Sheena Halili, masayang ibinahagi ang 1st month celebration ng kanyang magandang anak na si Martina Candice appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments