Mga netizens, natuwa sa throwback picture na pinost ni Gelli De Belen kasama sina Ogie Alcasid at Carmina Villaruel

Nagpost si Gelli de Belen ng isang throwback picture nila nina Ogie Alcasid at Carmina Villaroel sa kaniyang Instagram Account nitong Enero 16 taong 2021. Makikita sa litrato na napakabata pa nilang tatlo at makikita rin na parang hindi naman tumanda masyado ang itsura ng tatlo dahil hanggang ngayon ay blooming parin sila.

Credit: Gelli de Belen-Rivera instagram

Ang tatlo ay mga cast sa dating sketch comedy TV Show na “Tropang Trumpo” na ipinalabas sa ABC-5 o mas kilala ngayon bilang TV 5 noong 1994 hanggang taong 1999.

Narito ang nakasaad sa caption ng post ni Gelli, “Found this photo from 1992. Kumusta naman ang throwback na ito @mina_villarroel and @ogiealcasid” Ang post ay nagtamo na ng humigit sa 11k likes sa loob lamang ng labing dalawang oras.

Credit: Gelli de Belen-Rivera instagram

Maraming mga fans ang natuwa at ang iba naman ay naging nostalgic nang makita nila ang post ni Gelli dahil ito ang isa sa mga kinalakihang palabas sa telebisyon ng mga batang 90s. Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

Credit: Gelli de Belen-Rivera instagram

“the tropang trumpo cast.. miss that show.. and of course you guys to be together again.. God bless..”
“Always love ur Friendship”
“Sana magkaron ulet ng tropang trumpo”
“Cutiest day throwback 90”

Credit: Gelli de Belen-Rivera instagram

Mayroon mang mga kanya kanyang naging buhay ang mga cast ng show ay kitang kita naman na hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang kanilang samahan. Tulad na lamang noong 2014 na nagkaroon ng reunion ang ilan sa mga cast ng Tropang Trumpo sa palabas na “Let’s ask Pilipinas” at kaarawan noon ni Ogie.

Credit: Gelli de Belen-Rivera instagram

Sa reunion naging mini reunion na iyon ay nakasama sila Gelli de Belen, Earl Ignacio, Manny Castañeda at ang bestfriend ni Ogie na si Michael V. Sila ay sabay sabay na nagbalik tanaw sa kanilang mga masasayang moments na kanilang naranasan sa kanilang hit na hit na 90s gag show.

Credit: Gelli de Belen-Rivera instagram

The post Mga netizens, natuwa sa throwback picture na pinost ni Gelli De Belen kasama sina Ogie Alcasid at Carmina Villaruel appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments