4 month old na ang anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si baby Amari. Sa instagram account ni Billy ay ibinahagi nya ang larawan ni baby Amari kung saan nakasuot ito ng kulay dilaw na damit na nagpakita lalo sa kaputian nito.
“Happy 4th month my little angel! Mommy and daddy love you so much! ” Ang sabi ni Billy sa kanyang caption. Sa kabilang banda ay nag bahagi rin si Coleen ng mga larawan ni baby Amari para sa pagbati ng fourth month old nito.
Makikita nga sa mga larawan ang napaka cute na si baby Amari habang nakasakay pa ito sa kanyang stroller. May caption ito na,
“It was the perfect day for a stroll Happy fourth month, my baby Amari! ” Noong biyernes naman ng ibinahagi ni Coleen sa kanyang instagram ang video ni Amari habang ginagamit ang kanyang teether.
Ayon pa kay Coleen, Eto daw ang unang pagkakataon na masubukan ni baby Amari ang kanyang teether. At bago pa daw niya ibigay kay baby Amari ay umiiyak ito, At ng ibinigay nya ang teether ay agad naman itong tumahan at nasiyahan pa.
“He was cry!ng until I gave him this. His first time trying a cold teether! Ugh g!gil
I was gonna post this tom, but both @billycrawford and @maripazortega were about to steal it. Take your own videos! ” Lahad ni Coleen sa kanyang caption.
Pero ilang minuto lang ang makalipas matapos ibahagi ni Coleen ang video, ay pinost na rin ito ni Billy na nagpasalamat pa sa kumuha ng video at may caption ito na, “Someone is happy with his cold teether! Soooo cuteeee my love. Thanks for the video Our little ChewBaba ”
Sa instagram story naman ni Coleen makikita ang ibinahagi niya na short video clip kung saan nag papractice na si baby Amari na maglakad.
The post Anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari, nagdiwang na ng kanyang ika-apat na buwang kaarawan appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments