Ngayong panahon ng qu@rantine, marami sa atin ang nahilig sa paghahalaman. Ngunit may ibang mga certified plant enthusiasts ang hindi na lamang ginagawang isang libangan ang paghahalaman kundi isa na ring negosyo.
Kagaya na lamang ng aktres na si Aubrey Miles na kumikita mula sa pagbebenta ng halaman. Bukod sa pangongolekta ng mga halaman, ay nagbebenta rin si Aubrey ng iba’t ibang klase ng halaman.
Masaya namang ibinahagi ni Aubrey sa lahat ang bunga ng kanyang pagkahilig sa halaman. Dahil sa pagbebenta ng halaman ay nakabili si Aubrey ng isang bagong property sa Antipolo City.
Nitong December 14, sa kanyang Instagram account, ipinost ni Aubrey ang isang larawan kung saan ay makikita sila ng kanyang pamilya na nakatayo sa nabili nilang lupa.
“Would you believe parts of this investment “ KATAS NG HALAMAN” maraming makaka relate dito,” ani Aubrey sa caption ng kanyang Instagram post.
Sinabi rin ni Aubrey na malaking parte ng kanyang tagumpay ang pag-aalaga niya sa kanyang kalusugan.
Aniya, “Samahan mo na din ng “ Health & Wellness.”
May mensahe rin si Aubrey sa lahat ng mga kagaya niyang plant enthusiast na gustong magtagumpay.
Ani Aubrey, “Mental state this year. We only live forward. As long as you’ve got passion, faith and are willing to work hard. You can do anything you want in this life. Next year will be a better year for everyone. Let’s inspire each other and support one another. I believe anyone can do it. Go get it Keep planting and stay healthy.”
Samantala, patuloy pa rin na sinusuportahan ni Aubrey ang mga online plant seller na nagsimulang makipagsapalaran sa plant business ngayong p@ndemya.
Sa isang Instagram post sinabi ni Aubrey, “Right now I also appreciate the online sellers because they all had different JOBS and STORIES before the pandemic. This wasnt their main sourse of income. I admire what they’re doing now. Can you imagine most of them started their PLANT BUSINESS during l0ckdown?…”
Dagdag niya, “It’s IMPRESSIVE what can happen with HARDWORK and PERSEVERANCE…Building a good business in a matter of MONTHS is pretty impressive. Tama ba? Galing dba. Mahal man or mura ang halaman lahat tayo working hard. I have to admit it’s MOTIVATING. Just sharing my sentiments in SUPPORTING small/big businesses, plant business, etc. Keep planting and stay safe.”
The post Certified plantmom na si Aubrey Miles, nakabili ng bagong property mula sa pagbebenta ng halaman appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments