” You make me laugh even without doing anything ” , yan ang napakasweet na caption ng aktres na si Bettinna Carlos sa litrato nila ng kanyang fiance na si Mikki Eduardo

Ang Kapuso aktres na si Bettinna Carlos na mas kilala bilang kontrabida sa palabas na “yagit” noong taong 2014, ay nagbahagi ng litrato nila ng kaniyang non-showbiz fiancé na si  Mikki Eduardo sa kaniyang Instagram na may caption “You make me laugh even without doing anything!!!! #BeKki” kitang kita sa post kung gaano kasaya ang aktres sa piling ng kaniyang kasintahan.

Credit: Bettinna Carlos instagram

Naunang ipinakita ni Bettinna ang kaniyang non-showbiz boyfriend sa kaniyang social media accounts noong Agosto 2 ngunit hindi pa naka-tag ang kaniyang kasintahan sa mga litrato.

Credit: Bettinna Carlos instagram

Hindi mapigilan ng mga tao na matuwa at sumuporta sa dalawa. Si Bettina ay isang single mom sa kaniyang anak na si Gummy at maraming mga fans ang kinikilig dahil finally ay nakita na ni Bettinna ang kaniyang “the one”.

Credit: Bettinna Carlos instagram

Sa mga ibang post pa ni Bettinna sa kaniyang mga social media accounts ay ibinahagi niya kung paano tinanggap ng kaniyang boyfriend ang kanilang pamilya at kahit pati ang nanny nila ay tinanggap bilang parte ng kanilang pamilya ni Mikki.

Credit: Bettinna Carlos instagram

Ibinahagi niya pa kung paano magbonding-time ang kaniyang fiancé at ang kaniyang anak sa isang instagram post noong Agosto at ito ang sabi ng aktres,

Credit: Bettinna Carlos instagram

“I didn’t have to wait for you to love G because from day 0, you have already decided or taught you how to get along with a child because you are a child at heart. And neither did I have to wonder if you know what you’re getting yourself into and if you’re ready to be a dad because God Himself already prepared you for that role and placed that desire in your heart… before we met.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bettinna Carlos (@abettinnacarlos)

Noong Oktubre 7 ay nagpost ng litrato nila ng kaniyang kasintahan na kasama ang kaniyang anak ngunit mayroon nang kumikintab na singsing sa daliri ni Bettina at nagpost rin ng isa pang litrato si Bettina na may caption na “Itinerary on Day 1 as @mikki.e.eduardo ‘s fiancé.” At umulan ng suporta ang couple sa kanilang engagement.

The post ” You make me laugh even without doing anything ” , yan ang napakasweet na caption ng aktres na si Bettinna Carlos sa litrato nila ng kanyang fiance na si Mikki Eduardo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments