Pauleen Luna, hindi mapigilang maging emosyonal sa nalalapit na kaarawan ng kanyang anak na si Baby Tali

Kilala si Pauleen Luna ng lahat bilang isang hands on at supportive mommy sa kanyang anak na si Talitha Maria.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram      

Sa Instagram ay madalas magbahagi si Pauleen ng mga larawan at nakakaaliw na video ni Baby Tali na nagbibigay saya hindi lamang sa kanila ni Bossing Vic Sotto kundi pati na rin sa mga netizen.

Ngayon na malapit na ang kaarawan ng unang anak nila Bossing Vic ay hindi mapigilang maging emosyonal ni Pauleen.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Apat na araw bago ang ikatatlong kaarawan ni Baby Tali ay isang emotional post ang sinulat ni Pauleen.

Sa isang Instagram post nitong November 2, ay inamin ni Pauleen na hindi niya maiwasang maging emosyonal nang mapagtanto niya na unti-unti nang lumalaki si Baby Tali.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Saad ni Pauleen sa caption ng kanyang post, “As you turn 3 years old in exactly 4 days, i can’t help but be emotional as i realize that you’re really getting so big and growing up now.”

Ayon kay Pauleen, parang kailan lamang noong naka-depende pa si Baby Tali sa kanya sa lahat ng bagay na ginagawa nito.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Sa ngayon daw kasi ay may mga bagay na kaya nang gawin si Baby Tali sa kanyang sarili lamang kagaya na lamang ng pagdesisyon sa mga gusto nitong gawin.

Kwento ni Pauleen, “In just a span of a few weeks, she suddenly has her own decisions already, like where to sleep, who to sleep with, what to eat etc.”

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Kaya naman hindi maiwasan ni Pauleen mag-reflect sa tatlong taon niyang pagiging ina kay Baby Tali.
Sa loob ng tatlong taon ay marami na raw talaga siyang nakikitang pagbabago sa kanyang anak.

Ani pa ni Pauleen, “Bakit ang bilis ng panahon? It was just like yesterday where i can bring you anywhere and you will just say yes to everything i tell you to do. Hay. Life is happening.”

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Sa huli ay dasal ni Pauleen na lumaking mabait, maunawain at mapagkumbaba si Baby Tali.

“I just really pray that you’ll grow up to be a kind, giving, understanding and humble person,” saad ng TV host-actress.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Mensahe rin niya para kay Baby Tali, “I will always be here, my love 🤍 always and forever, your mommy i’ll be 🥰

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Isinilang ni Pauleen ang anak nila ni Vic noong November 6, 2017.

The post Pauleen Luna, hindi mapigilang maging emosyonal sa nalalapit na kaarawan ng kanyang anak na si Baby Tali appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments