Harlene Bautista, masaya sa bagong nagpapatibok ng kanyang puso ngayon

Si Harlene Bautista ay kilala bilang dating child star, aktres sa mga film at sa telebisyon, tagagawa ng pelikula at negosyanteng babae sa Pilipinas at si Federico Moreno naman na anak ni German Moreno na mas kilala sa entablado bilang “Kuya Germs” o “The Master Showman.”

Credit: Frederico Moreno Facebook

Matatandaan, noong taong dalawang libot labing walo buwan ng Oktubre, ikinagulat ng mga netizens at mga kanilang mga taga suporta ang balitang paghihiwal@yan ng dating magkasintahan na sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.

Credit: Frederico Moreno Facebook

Lalong ikinalungkot o pinanghinayangan ng mga taga suporta nila ang kanilang pagsasaama dahil dalawang dekada o labing siyam na taon na sila dahil nagsimula sila noong 80’s youth oriented show na “That’s Entertainment.”

Credit: Harlene Bautista Facebook

Ngayon taon naman ay masayang ibinahagi ni Harlene Bautista ang kanyang bagong buhay pag-ibig nilang dalawa ni Federico Moreno na nagsimula daw noong ika – 5 ng Agosto.

Sa digital show na “Just In,” Ipinakita nila ang isang larawan na nagpapakita na magkasama ang dalawang magkasintaha sa isang restawrant noong Setyembre. Ibinahagi naman ni Harlene at ni Fedrico na ang larawan na iyon ang kanilang pagseselebrasyon sa kanilang “first monthsary”
“September 5, first monthsary. Biruin mo ‘yun monthsary,” pagkuwento ni Harlene.

Credit: Harlene Bautista Facebook

Makikita rin ang larawan nila ni Herlene sa Facebook ni Federico kung saan dinagsa ito ng mga pagbabati mula sa kanilang mga kaibigan at mga netizens dahil ito ay may caption na “1st month. Harlene Bautista ❤

“Siya ‘yung unang nag-post. Sabi ko ‘Okay, so sige,'” sabi niya. Paglilinaw ni Herlene, ito ang nagbigay sa kaniya ng “go-signal” na mag-post din ng larawan nila ni Federico.

Credit: Harlene Bautista Facebook

“Hindi ako napilitan, kumbaga nagka-go signal ako na mag-post. Kasi ayoko rin naman masyadong post nang post kasi hindi naman siya artista. Hindi naman siya talaga showbiz na showbiz. We all know that he’s the son of Kuya Germs pero very private siya talaga,” anang aktres.

“Siyempre hindi rin naman maiiwasan, dahil artista ako,” dagdag pa niya na nirerespeto raw ni Herlene ang pagiging pribadong tao ni Federico. “Kaya ‘yun. Nu’ng nag-post siya, ‘Okay, puwede akong mag-post,’ parang gano’n. Naghihinay-hinay din ako. Siyempre ako naman, gusto ko post ako nang post, siyempre proud ka, kinikilig ka, ‘yung gano’n,” sabi niya

The post Harlene Bautista, masaya sa bagong nagpapatibok ng kanyang puso ngayon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments