Isa si Kapuso actor Gabby Concepcion sa mga Pinoy celebrity na masayang nagdiriwang ngayong buwan ng kanilang kaarawan.
Nagdiwang ng kanyang ika-56 na taong kaarawan si Gabby noon Huwebes, November 5. Sa kanyang kaarawan ay maraming regalong natanggap si Gabby mula sa kanyang mga anak na babae.
Isang sweet birthday card ang natanggap ni Gabby mula sa kanyang dalawang anak na babae na sina Samantha at Savannah. Anak ni Gabby sa kanyang asawang si Genevieve Yatco Gonzales sina Samantha at Savannah.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Gabby ang isang video kung saan makikita ang mga ginawang birthday card ng kanyang mga anak. Mababasa sa isang birthday card na ginawa ng kanyang mga anak ang mga katagang “I love you” at “world’s best dad”.
Ayon sa aktor, wala umanong makakatumbas sa effort na ibinuhos ng kanyang mga anak sa ginawa nilang birthday card. Aniya, “The effort that went to make the best gift in the world is….priceless.”
View this post on Instagram
Hindi rin nagpahuli ang panganay na anak ni Gabby sa kanyang dating asawang si Megastar Sharon Cuneta na si TV actress-host KC Concepcion.
Nag-post si KC sa kanyang Instagram ng isang letrato kung saan ay sanggol pa lamang siya at hawak-hawak ng ama.
Sa caption ay pinuri at pinasalamatan ni KC ang kanyang Papa Gabby. Saad ni KC, “Happy happy birthday to my father full of heart and passion, who watches out for me and keeps me alert and active like a big brother would ”
Aniya, parati umanong naniniwala sa kanya si Gabby at hindi ito nanawala sa kanyang tabi para siya ay gabayan at suportahan.
Ani KC, “You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new. Sometimes people overestimate my independence but I’ll always need a man like you by my side who can teach me things no one else would I’m so glad we get this time to stay close, even if you tease me about liking fancy things ()… “
Dagdag ng aktres, “You always keep me down to earth, taking me outdoors- barefoot whenever possible- just enjoying the simplest joys in life!!! I love you, to the handsomest of them all! Papa happy birthday!!! ”
Samantala, si Gabby ay bibida sa bagong TV show ng Kapuso network na “First Yaya” kasama ang aktres na si Sanya Lopez.
The post Gabby Concepcion, nakatanggap ng sweet birthday messages mula sa kanyang anak na sina Samantha, Savannah at KC Concepcion appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments