Drew Arellano, napa-wow sa ‘new look’ ni Iya Villania

Kinaaliwan ng maraming netizens ang hirit na sinabi ni TV host Drew Arellano nang makita niya ang bagong look ng kanyang asawang si Iya Villania.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram      

Kamakailan lamang kasi ay sinubukan ni Iya ang isang bagong hairstyle at ipinagupit niya ang kanyang mahabang buhok.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Masasabi ni Iya na malaking pagbabago sa buhok niya ang kanyang bagong hairstyle ngayon na isang pixie cut. Hindi pa kasi umano niya kailanman nasubukan ang isang napakaikling hairstyle.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Ipinagkatiwala ni Iya ang kanyang buhok sa kanyang matagal nang hairstylist na si Alex Carbonell. Sa kanyang Instagram story ay sinabi ni Iya na nasa 18 taon na rin niyang hairstylist si Alex kaya naman kumpiyansa siyang magiging maganda ang resulta ng kanyang bagong hairstyle.

Saad pa ni Iya, “It’s been around 18 yrs with Alex. So I trust him to do anything to my hair.”

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Ayon naman sa sinabi ni Alex, 18 inches ang haba nang ginupit niyang buhok ni Iya. Mukha namang masaya si Iya sa kanyang bagong hairstyle base na rin sa mga letrato na ibinahagi niya sa kanyang Instagram story.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Mapapanood din sa kanyang Instagram ang naging reaksyon ng kanyang mga anak na sina Primo at Leon sa kanyang bagong hairtsyle.

Una munang hiningi ni Iya ang reaksyon ng kanyang panganay na si Primo.
Tanong niya rito, “Do you like Mama’s hair?”

Credit: Drew Arellano Instagram

Naging honest naman sa pagsagot si Primo at sinabing hindi niya nagustuhan ang bagong hairstyle ni Iya.

“No, because I want your hair to become pretty,” saad ni Primo kay Iya.

Sunod namang tinanong ni Iya si Leon ngunit wala itong reaksyon sa bagong gupit ng kanyang Mama Iya.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Sa isang bahagi ng video ni Iya ay makikita naman ang nakakatawang reaksyon ni Drew nang makita ang bagong look ng asawa.

Ipinahiwatig naman ni Drew sa isang Instagram post kung gaano niya nagustuhan ang bagong look ng asawa.

Nag-post si Drew ng magandang letrato ni Iya kalakip ang caption na: “Well I guess she wants another baby!🤪🤪🤪 #rawr”

Credit: Drew Arellano Instagram

Marami naman natawa sa sinabi ni Drew kasama na nga rito ang mga kasamahan nila ni Iya sa showbiz na sina Billy Crawford, Janine Gutierrez, Denise Laurel at Jericho Rosales.

The post Drew Arellano, napa-wow sa ‘new look’ ni Iya Villania appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments