Bea Alonzo, kinarir ang pagiging ‘hairstylist for a day’ kay Enchong Dee

Bukod sa pagiging artista at vlogger ay isa na rin ngayong certified hairstylist si TV actress Bea Alonzo. Viral ngayon ang ginawang paggugupit ni Bea sa buhok ng kanyang kaibigan na si Enchong Dee.

Sa kanyang pinakabagong “Bea Does” vlog, inimbitahan niya si Enchong na maging kanyang kauna-unahang customer na gugupitan.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa simula ng vlog ay ikwenento muna ni Bea kung bakit niya naisipang maggupit ng buhok. Kwento ni Bea, “Remember noong ECQ? Nagkaroon ng time na we couldn’t go to salons, barbershops, or parlors…we just decided to cut each other’s hair.”

Aliw na aliw umano si Bea sa mga nakikita niyang mga tao na ginugupitan ang buhok ng kanilang mga asawa at anak. Kaya naman hiniling niya na sana masubukan din niyang maggupit ng buhok. Makalipas umano ng ilang buwan ay nakita niya sa Instagram si Enchong na mahabang-mahaba na ang buhok.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Tinanong umano ni Bea si Enchong kung pwede bang siya na lang ang gumupit sa buhok ng aktor at pumayag naman daw ito.

Ani Bea, “Weeks later, months later nakita ko si Enchong sa Instagram. Ang haba na ng hair niya. Sabi ko sa kanya, okay lang ba sa’yo gupitan kita? Guess what? He agreed.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Dahil diyan ay natuloy nga ang paggugupit ni Bea sa buhok ng aktor. Para maging maayos ang kanyang paggugupit ay humingi ng tulong si Bea sa kanyang magaling na hairstylist na si Brent Sales.

Step by step ay tinuruan at ginabayan ni Brent si Bea sa paggupit ng buhok ni Enchong.
Siyempre kumpleto ang mga gamit ni Bea sa paggugupit. Tiniyak naman ni Bea na na-disinfect niyang mabuti ang mga gagamitin niyang haircutting tools.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa umpisa ay shinampoo muna ni Bea ang mahaba at curly hair ni Enchong.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Habang ginugupitan naman ni Bea si Enchong ay tinanong niya ito kung bakit napakahalaga sa isang lalaki na maganda ang pagkakaayos ng kanilang buhok.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sagot naman ni Enchong, “The style of your hair makes everything different…Parang it adds a little bit of character. Wala naman kaming masyadong accessory…it really just the hair. It gives us character. It gives us attitude.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Mukhang hindi naman magsisisi si Enchong sa kanyang desisyon na pumayag na gupitan siya ni Bea dahil lumabas na maganda ang pagkakagupit nito sa kanyang buhok.

Kahit hindi perpekto ay nakuha ni Bea ang gustong hairstyle ni Enchong na inspired sa hairstyle ni Hollywood actor Keanu Reeves.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Reaksyon ni Enchong nang makita ang bagong hairstyle, “Galing! I didn’t realize that it will end up like this. Oh my gosh. So cool!”

Sa huli, nagbiro naman si Bea at sinabing gagawin na umano niyang career ang paggugupit ng buhok.
Aniya, “Yes, so ngayon pwede ko na siyang gawing career.”

The post Bea Alonzo, kinarir ang pagiging ‘hairstylist for a day’ kay Enchong Dee appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments