Silipin ang mediterranean-inspired na bahay ng aktor na si Dominic Ochoa at ang kanyang mga vintage car collection

Iba’t-ibang klase ng bahay ang ating nasaksihan mula sa mga sikat na celebrities na ipinakita ang bunga ng kanilang pagsusumikap at pagtitiyaga na makamit ang tagumpay na kanilang tinatamasa ngayon sa larangan ng showbiz.

Credit: Star Magic YouTube            

Kaya naman hindi nagpahuli ang aktor na si Jose Madrigal Ochoa o mas kilala bilang si Dominic Ochoa, na ipinakita sa publiko ang kanyang modern-vintage house na kanyang ipinatayo 4 na taon na ang nakakaraan.

Credit: Star Magic YouTube

Pagpasok pa lang sa kanilang tahanan ay mamangha ka na sa mala-vintage design nito magmula sa mga lumang kahoy at lumang kagamitan na isa sa mga hilig ni Dominic itago at pangalagaan.

Makikita sa kanilang living room ang pagiging spacious nito na siyang ipinagawa ng aktor para sa kanyang mga bisita upang ayon sa kanya ay makapag-relax ang mga ito.

Credit: Star Magic YouTube

Kalapit naman ng kanilang living room, ay makikita naman ang isang lumang cabinet at lumang fan na halos 15 years na umanong tinatago at inaalagaan ni Dominic.

Credit: Star Magic YouTube

Bukod pa rito ay naisipan rin ng aktor na magpagawa ng mga paintings mula sa mga kasamahan at katrabaho nya sa showbiz na hilig ang pagpipinta, na ayon sa kanya ay gusto niyang masuportahan ang artworks ng mga ito.

Credit: Star Magic YouTube

Matapos maisailalim ang Metro Manila sa ECQ noong Marso, ay naisipan naman ni Dominic at ng kanyang asawa na magtayo ng business upang mas maging productive habang nasa loob lamang sila ng bahay.

Credit: Star Magic YouTube

“We chose to be productive. Hindi naman pwede ‘yung puro na lang tayo angal kasi hindi naman tayo tutulungan ng Diyos kung hindi natin tutulungan ang ating sarili.”

Credit: Star Magic YouTube

Kaya naman nagsimula na rin silang magbenta ng mga prutas, dips, ice cream, wagyu at gournment tinapa sa loob ng kanilang subdivision na si Dominic mismo ang siyang nagde-deliver.

Credit: Star Magic YouTube

“‘Pag nag-sosocial media kami, it’s more of promoting the products that we’re selling. Pero ito nga, kahit dito-dito lang namin sa’min binebenta, kami po ay nagde-deliver ako mismo nagde-deliver.”

Credit: Star Magic YouTube

Huling ipinakita ni Dominic ang kanyang mga lumang koleksyon na sasakyan, na biro pa ng aktor ay ito ang isa sa mga pinagseselosan umano ng kanyang asawa.

Credit: Star Magic YouTube

Isa na nga sa mga ito ay ang 1968 vintage Volkswagen Beetle convertible, isang 1978 Ford Escort, 1995 all-original Range Rover, 2018 Vios Cup car at ang “lucky car” na siyang ginamit ng aktor noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang.

Credit: Star Magic YouTube

The post Silipin ang mediterranean-inspired na bahay ng aktor na si Dominic Ochoa at ang kanyang mga vintage car collection appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments