Tingnan natin muli ang mga kuha sa kasal nina Sophie Albert at Vin Abrenica

Sa wakas, ikinasal na ang napakasweet na couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica. 2013 pa lamang, ay nagsimula ng magkamabutihan ang dalawa. Dito nagsimula ang kanilang matibay at malalim na relasyon.

Credit: @itssophiealbert Instagram

February 2021 noon, nang ianunsyo nila sa atin ang kanilang engagement. Kasabay din nito ang pagdating ng kanilang anak na si Avianna Celeste matapos ang isang buwan. Matapos ang halos dalawang taon, ito na ang tamang oras para manumpa silang dawala sa harap ng Diyos at ng mga tao.

Credit: @itssophiealbert Instagram

Kasunod ng kanilang church wedding, tatlong araw lang matapos nito, ay ikinasal naman si Vin at Sophia sa isang garden weeding. Napakaganda ng view sa garden venue sa Tagaytay City. Siyempre, kasama na rin sa ganda ng view ay ang malamig na klima dito. Pero, siguradong di nila ito ramdam dahil sa nag-aalab na pag-ibig nila sa isa’t-isa.

Credit: @itssophiealbert Instagram

Makikita sa social media ang ilan sa mga larawan na talagang napakaganda, na ibinahagi din ng Nice Print Photography’s official Instagram.

Credit: @itssophiealbert Instagram

“First official photo of [newlyweds] @vinabrenica and @itssophiealbert [ring emojis] An intimate wedding ceremony in a glass house inspired church setting in the middle of lush Tagaytay greenery Breathtaking ♥♥♥♥ @gideonhermosa,” saad ng Nice Print sa kanilang social media.

Credit: @itssophiealbert Instagram

Samantala, narito naman ang post ni Sophia na puno ng pasasalamat at pag-ibig ang kanyang puso.
“I have found the one whom my soul loves -Songs of Solomon 3:4 #SoVinloveForever,” saad ni Mrs. Abrenica sa Instagram.

Credit: @itssophiealbert Instagram

Wish naman ng mga netizens na magtagal at maging matibay ang kanilang relasyon. Nagpaulan naman ng mga komento at mensahe ang mga fans at mga netizens sa kanila. Biro tuloy ng marami, wag daw umiy@k dahil ang mga umiiyak sa kasal ay n@gh!hiw@lay.

Credit: @itssophiealbert Instagram

“Ui d xa umiyak…mukhng pang matagalan to.. Congratulations🎉

“usa sa mga loveteam nga road to 4ever🥰

Credit: @itssophiealbert Instagram

 

The post Tingnan natin muli ang mga kuha sa kasal nina Sophie Albert at Vin Abrenica appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments