Trina “Hopia” Legaspi, masayang inanunsyo na sya ngayon ay nagdadalang tao

Kilala si Trina Legaspi bilang hopia sa sikat na pangbatang palabas na going bulilit. Ibinahagi nila ng kanyang asawa na si Ryan Jarina ang masayang balita ng unang pag bubuntis ni Trina.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ito ay kanilang binahagi isang buwan bago ang kanila unang anibersayo ng kanilang kasal. Sabi nga ni Trina hindi na daw ito prank at totoo na nga daw na siya ay nag dadalang tao na. Sabi niya na hindi na daw siya makapag antay na makita ang kanyang magiging anak. Pagkatapos daw ng mga nanay roles niya ay ngayon nga at siya ay magiging nanay na sa totoong buhay.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Pinapahulaan din ni Trina sa kanyang mga tagahanga kung ang magiging unang anak daw nito ay isa bang babae o lalaki. Naiiy@k nga daw siya habang tina type niya ang kanyang caption sa kanyang Instagram post.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Biro nga ni Trina ay nasa oven na daw ang ang maliit na tinapay, dahil nga siya ay nabansagang hopia. Nag bahagi rin ang kaniyang asawa na si Ryan na ang magiging anak daw nila ay isang malaking blessing hindi na rin daw ito makapag hintay na makita ang anak sa susunod na taon.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Madami ang nag bigay ng masasayang mensahe sa dalawa gaya nalamang nina Elisse Joson, Chie Filomeno, Sue Ramirez at ang kasamahan ni Trina sa going bulilit na sis Jane Oineza.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Marami din sa tagahanga ni Trina na nag komento na hindi makapaniwala na siya ay nag dadalang tao na. Parang kailan lang nga raw at napapanuod sila sa going bulilit bilang cute na bata at nakakatuwa daw ito noong bata pa ito.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sabi din ni Trina sa kanya interview na ang puso daw niya ay masaya, marami pa nga daw itong kailangan matutunan sa pagiging bagong ina. Kinasal si Trina at Ryan noong Nobyembre 2021 sa isang private wedding na ginanap sa Holy Trinity Church.

Credit: @trinalegaspi Instagram

The post Trina “Hopia” Legaspi, masayang inanunsyo na sya ngayon ay nagdadalang tao appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments