Ang pag aaral ay walang katapusan. Ito lamang ay nag kakaroon ng pag wawakas at ito ay nag sisimula sa ating mga sarili. Ang edukasyon ay matuturing na isang kayamanan ng isang indibidwal.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Ito ay kailanman ay hinding hindi m@n@nak2w o makukuha sa atin ng ibang tao. May mga tao na nabibigyan ng pag kakataon para makapag aral ng tuloy tuloy. May mga tao rin na sadyang hindi nakapag patuloy sa kaniyang pag aaral.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Gayun pa man, nasa desisyon parin ng isang indibidwal ang pag papatuloy ng pag aaral o hindi. Kahit kailan ay hindi naging huli ang pag aaral. Nag post si Karla Estrada ng mga litrato patungkol sa kanyang pag babalik sa kanyang pag aaral sa edad na 47 years old.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Tuwang tuwa at talaga namang nasasabik si Karla sa kanyang pag babalik eskuwela. Sinabi niya pa dito sa post niya na “See you around the campus schoolmates!”. Si Karla ay kasalukuyang enrolled sa Philippine Christian University at sumasa ilalim sa “Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program”.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Ang post ay umani ng mahigit 14k likes sa Instagram at binati rin siya ng kanyang mga mahal sa buhay at mga katrabaho sa industriya ng showbiz. Ilan sa mga ito ay sina Marjorie Barretto, Nadia Montenegro, Jackie Foster, Erik Santos at marami pang iba.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Batid pa ni Karla, hindi niya sasayangin ang pag kakataong ito at nag sabi din siya na para sa lahat ng mga taong gusto pang ipag patuloy ang kanilang pag aaral, ani nito na hindi pa huli ang lahat. Tama naman si Ms. Karla sa mga bagay na ito.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Kahit kailan, “it’s never too late to go back to school”, ika nga. Walang pinipiling edad, kasarian, estado sa buhay, prinsipyo at paniniwala ang edukasyon. Bagkus ito ay isang kayamanang pwede nating ipanamana sa ating mga anak, at sa ating mga sarili.

The post Aktres na si Karla Estrada, proud na ibinahagi na sya ngayon ay balik na sa pag-aaral sa edad na 47 taong gulang appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star